in

Direct Hire: Iba ang employer na paglilingkuran sa nagsumite ng aplikasyon? WALANG PERMIT TO STAY…

altAng sentensya n. 4151 ng Konseho ng Estado (Consiglio d’Stato) noong nakaraang ika- 11ng Hulyo ng taong kasalukuyan ay binigyang diin na ang isang manggagawang dumating sa Italya sa pamamagitan ng ‘Direct Hire’ay may karapatang magkaroon ng ‘Permit to stay’ o Permesso di soggiorno lamang, kung ang employer na nagsumite ng aplikasyon ay ipagpapatuloy ang ‘hiring’.

Rome – Kung ang isang employer ay nagsumite ng aplikasyon para sa isang dayuhang manggagagawa sa pamamgitan ng ‘direct hire’, ang Sportello Unico ang magbibigay ng tinatawag na ‘nulla osta’ o pahintulot upang makapag-trabaho, na sya namang ipadadala sa mangagagawa upang makapag-request ng ‘entry visa’ mula sa Konsulado o Embahada ng Italya sa sariling bansa.

Sa sandaling ang entry visa ay ipagkaloob sa mangagawa, ay maaari na itong pumasok ng legal sa Italya at mag-request sa Sportello Unico ng permit to stay o permesso di soggiorno bilang manggagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang ‘kit’ sa Post Office.

Sa puntong ito, ang employer ay mayroong anim na buwan mula sa araw ng pagpapadala ng request ng first issuance ng permit to stay, upang i-hire o tanggapin sa trabaho ang mangagagawa at gawin ang komunikasyon nito sa mga tanggapan ng Inps o Employment Center o Centri per l’Imiego.

Ano ang mangyayari kung ang employer ay hindi na tatanggapin bilang trabahador ang dayuhan?

Madalas mangyari na ang employer, sa kabila ng pagdating sa Italya ng dayuhang manggagawa at nakapag-request na ng permit to stay ay hindi na interesado pang tanggapin bilang manggagawa ang dayuhan. Minsan naman ay ang manggagawa mismo ang tumatangging magtrabaho para sa kanya o nag-umpisa sa trabaho ngunit nahihinto bago pa man gawin ng employer ang komunikasyon ng hiring.

Isa sa mga sitwasyong ito ay malaki ang magiging epekto sa request ng permit to stay. Ang Police Department o Questura na susuri ng application sa katunayan, ay maaaring tanggihan ang pagbibigay ng permit to stay sa trabaho at maaaring sabihan ang dayuhan na bumalik sa kanyang  bansang pinanggalingan.

Ang katotohanan ay hindi palaging ganito ang mga pangyayari. Depende pa rin sa interpretasyon ng responsable ng tanggapang sumusuri ng request at sa ‘swerte’ ng dayuhang maaaring makatanggap ng pagtanggi sa releasing ng permit to stay. Kaya bilang pag-iwas sa panganib ng pagtanggi o refusal ng permit to stay, ang dayuhan ay dapat na tanggapin bilang manggagawa ng employer na nagsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng direct hire.

Ang prinsipyong  ito ay pinatunayan sa pamamagitan ng kamakailan lamang na sentensya ng Konseho ng Estado, bilang 4151 Hulyo 11, 2011, kung saan ang Hukom ay tinanggihan ang isang apila mula sa isang dayuhan na regular na pumasok sa Italya sa pamamagitan ng direct hire, ngunit ibang employer ang tumanggap dito bilang manggagawa.
Ang Questura ay tinanggihan ang permit to stay dahil sa kakulangan ng komunikasyon mula sa employer na gumawa ng aplikasyon sa direct hire. Ang dayuhan ay nag-apila sa TAR laban sa naging desisyon ng Questura at hindi naman inayunan nito na naging sanhi ng pag-aapila sa Konseho ng Estado.

Ayon sa naging sentensya ay hindi dapat na isaalang-alang ang katunayan na ang manggagawa ay nakahanap ng isang bagong trabaho at hindi maaaring gawin ang aplikasyon ng art. 5 talata 5 bilang 286 ng 1998 na nagbibigay solusyon sa mga bagong sitwasyon.

Ang sentensya

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipino, ikalawa sa pinakamalaking populasyon sa Lazio. Ikalawa rin sa may pinakamataas na remittances

Giovanardi nababahala: Kung magpapatuloy ang sitwasyon, mas maraming migrante kaysa Italyano