Narito ang mga dapat malaman ng employer kung nagdadalang-tao ang colf .
Mayo 16, 2017 – Ang pagsabayin ang trabaho at buhay may pamilya ay hindi kahit kailan naging madali sa sinumang working Mom, lalo na’t nagdadalang tao pa.
Narito ang mga dapat malaman ng employer ng isang nagbubuntis na colf na nilalaman ng artikulo 24 ng National Collective Labour Contract.
Ang mga future Moms ay maaaring hindi mag-trabaho. Ito ay compulsory maternity leave ng liman (5) buwan (2 buwan bago at 3 buwan matapos manganak) samantalang ang mga high-risk pregnancies ay maaaring hilingin ang magkaroon ng extension ang nabanggit na leave.
Ang isang colf na nagdadalang-tao, sa panahon ng pagbubuntis ay maaring mag-aplay ng maternity allowance sa INPS na magbibigay ng benepisyo.
Samantala, ang employer ay walang anumang dapat bayaran, sa kundisyong ang colf na nagdadalang-tao ay may regular na kontribusyon. Sa panahon ng leave ang employer ay hindi rin kailangang bayaran ang kontribusyon ngunit ipinapayo pa rin ang pag-iisyu ng busta paga a zero importo (sa mga tumatanggap nito) para sa maturity ng anzianità di servizio.
Sa buong panahon ng pagbubuntis at maternity leave ay hindi maaaring patalsikin o tanggalin sa trabaho ang colf, maliban na lamang sa pagkakaroon ng tinatawag na ‘giusta causa’. Samantala, maaari namang magpatuloy sa licenziamento ang employer kung ang colf ay buntis na bago pa man magsimula ng trabaho.