Ang esenzione ticket ay maaaring magkaroon ng isang indefinite validity tulad sa kaso ng malalang sakit, o maaari itong magkaroon ng limited validity, na kinakailangan upang suriin muli ang patolohiya; o halimbawa sa kaso ng income exemption, dahil malinaw na ang sitwasyon ng kita ng isang pamilya ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon.
Ang esenzione ticket per reddito ay nagpapahintulot sa mamamayan ng total o partial exemption mula sa pagbabayad ng ticket o ang halagang hinihingi ng Servizio Sanitario Nazionale (SSN) o Regional (SSR) sa pagiging bahagi sa mga medical expenses.
Sa nalalapit na March 31 ang mga certificate ng esenzione ticket per reddito sa Italya ay mawawalan na ng bisa. Narito kung paano gagawin ang renewal at kung anu-ano ang mga requirements.
May apat na uri o kalagayan ng mga mamamayan na mayroong ticket exemption dahil sa edad at sahod, at mayroong angkop na code:
- Codice E01 – Mga mamamayang may edad na hanggang 6 na taong gulang o higit sa 65 taong gulang, at ang kabuuang sahod ng pamilya ay hindi lalampas sa € 36.151.98.
- Codice E02 – Mga mamamayang walang hanapbuhay (o ang kanilang dependants) at ang kabuuang sahod ng pamilya sa isang taon ay hindi lalampas sa 8.263,31 (11.362,05, kung kasama ang asawa at karagdagang 516,46 bawat dependant).
- Codice E03 – Ang mga tumatanggap ng assegno sociale(dating pensione sociale) at ang kanilang dependants.
- Codice E04 – Ang mga tumatanggap ng minimum pension at higit sa 60 anyos.
Paano magkakaroon ng Esenzione Ticket Sanitario
Ang esenzione ticket sanitario ay nasasakop ng mga Rehiyon. Mayroong dalawang pangunahing regulasyon, ngunit ang bawat Rehiyon ay maaaring magtakda ng mga bagong exemption code o ng mga partikular na procedure, ng posibilidad ng online renewal, kaya palaging ipinapayo na makipag-ugnayan sa lokal na ASL.
Gayunpaman, makakabuting alamin ang pagkakaiba sa dalawa.
Esenzione ticket per reddito
Kadalasan ang pagbibigay ng exemption ay awtomatiko. Sa katunayan, bawat taon, sa simula ng buwan ng Abril, ang Agenzia dell’Entrate ay gumagawa ng listahan ng mga mamamayan na may kita na mas mababa sa itinakdang limitasyon at ipinapadala ang listahang ito sa mga medico di base. Ang mga mamamayang ito ay awtomatikong may karapatan sa exemption. Gayunpaman, kahit na ang renewal ay nagaganap sa ganitong paraan, taun-taon ang Agenzia delle Entrate ay nagpapadala ng listahan sa mga medico di base.
Ito ay ang general rule, ngunit kailangang kumontak sa medico di base o sa ASL upang malaman kung ano ang ipinatutupad na proseso sa sariling rehiyon.
Esenzione ticket patologia, disabilità o malattia rara
Sa mga ganitong kaso, ang Agenzia delle Entrate, ay hindi maaaring makialam, dahil ang exemption ay hindi itinalaga batay sa kita, ngunit batay sa patolohiya/kapansanan/bihirang sakit, na dapat patunayan sa pamamagitan ng mga espesyal na sertipiko. Sa ilang mga kaso, pagdating sa isang patolohiya o malalang kapansanan kung saan mahirap magkaroon ng pagbuti o kagalingan, ang ticket exemption ay may indefinite validity.
Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang exemption ay karaniwang tumatagal ng isang taon at samakatuwid, sa expiration, dapat mag-request ng exemption, kung ang pathology ay magpapatuloy.
Anu-ano ang mga requirements ng Esenzione Ticket Sanitario
Kung mayroong esenzione ticket sanitario per reddito, ito ay kailangang i-renew taun-taon. Para sa renewal, karaniwang hindi na kailangang magpunta sa ASL. Kailangan lamang alamin sa sariling medico di base kung kasama ang pangalan sa listahan. Gawin ito sa mga unang araw ng buwan ng Abril, ang panahon kung kailan ang Ministero delle Finanza ay nagpapadala ng listahan sa mga medico di base.
Sakali ng wala sa listahan ang pangalan, dapat ay magtungo sa ASL dala ang mga sumusunod:
- Autocertificazione kung saan idinedeklara sa hindi lampas sa itinakda ng batas ang sahod;
- Kopya ng balidong dokumento at ng mga dependent o ‘a carico’ na miyembero ng pamilya;
- Kopya ng sariling codice fiscale at ng mga dependent na miyembro ng pamilya.
Tandaang dalhin ang orihinal na dokumento at codice fiscale.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga nais mag-renew ng esenzione ticket sanitario dahil sa kundisyong pinansyal, bisitahin ang website ng Sistema Tessera Sanitaria (Sistema TS) sa link na: https://sistemats1.sanita.finanze.it/portale/esenzioni-da-reddito-cittadini (PGA)