Ang unang hakbang upang magkaroon o mag-renew ng permit to stay ay ang pagsusumite ng aplikasyon nito sa pamamagitan ng kit postale. Ngunit matapos matanggap ng Questura ang mga dokumentasyong isinumite, gaano katagal maghihintay ang aplikante? Maaari bang malaman ng aplikante ang estado ng aplikasyon?
Matapos isumite ang application para sa renewal ng permi to stay, ang aplikante ay maaaring malaman ang status nito sa pamamagitan ng Contact Center, Portale Immigrazione o website at sa pamamagitan ng sms.
Ang pinakasimpleng paraan upang magkaroon ng balita ukol sa estado ng permit to stay ay ang Contact Center o toll free number na inilaan ng Ministry of Interior: 848.855.888. Ito ay serbisyong nagbibigay ng impormasyon ukol sa estado ng aplikasyon o renewal ng permit to stay na isinumite sa “Sportello Amico” ng poste italiane.
Bukod dito ay mayroon pang ibang paraan upang malaman ang estado ng renewal. Ito ay sa pamamagitan ng ‘area riservata’ sa Portale Immigrazione o www.portaleimmigrazione.it na nakalaan sa mga dayuhan.
Sa homepage ng website ay makikita ang ‘area riservata stranieri’. I-click lamang ito upang magbukas ang isang page kung saan ilalagay ang mahahalagang datos tulad ng user name o nome utente at password sa postal receipt na natanggap sa pagsusumite ng aplikasyon.
Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang website ng Polizia di Stato ay mayroon ding online para masuri ang estado ng mga permit to stay: http://questure.poliziadistato.it/stranieri.
Ilalagay din ang codice assicurata tulad ng larawan sa ibaba:
Para naman sa releasing ng permit to stay, bukod sa mga nabanggit na online system ay nagpapadala rin sa aplikante ang Questura locale ng sms kung saan nasasaad ang mga detalye para sa releasing tulad ng lugar, petsa at oras ng releasing ng dokumento.