in

Expired ang health card, maaari ba itong ma-renew?

Esenzione Ticket Sanitario 2021, kailan dapat i-renew?

Natuklasan ko na ang aking tessera sanitaria ay malapit na ang expiration date, kasabay ng aking permit to stay. Ano ang proseso upang ma-renew ko ito? Ako po ba ay mananatiling nakatala sa Servizio Sanitario Nazionale o SSN?

 

Roma – Ang health card o tessera sanitaria na inisyu sa mga non-EU citizens ay may parehong validity katulad ng kanilang mga permit to stay. 

Para ma-renew ang health card, ang aplikante ay kailangang isumite sa ASL o local health service ang dokumentasyon na nagpapatunay ng renewal ng permit to stay tulad ng ‘cedolino’ buhat sa Questura o ng resibo buhat sa postal office, codice fiscale o tax code at dokumentasyon ng paninirahan (hindi obligado ang pagiging residente sa Comune)  

Sa pagkakaroon ng mga papeles na ito, ang ASL ay pinananatili ang iscrizione temporanea o temporary registration ng anim na buwan ng aplikante. Sa ganitong paraan nananatili ang pagkakatala ng dayuhan at karapatang matanggap ang health assistance. Matapos ang renewal at pag nakuha na ang permit to stay, ang dayuhan ay magdadala ng kopya nito sa Asl, na magpapatuloy sa pagtatala at magbibigay ng bagong health card na may parehong validity ng bagong permit to stay. 

Paalala: Habang nasa renewal ang permit to stay per lavoro o per motivi familiari, nananatili ang iscrizione obbligatoria ng aplikante sa servizio sanitario nazionale, habang ang sinumang  gumawa ng iscrizione volontaria, halimbawa, dahil nasa Italya dahil sa pag-aaral, ay kailangang muling gawin ang prosesong ginawa sa unang pagpapatala sa servizo sanitario nazionale. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ginisang Mongo

Brussels attacks: 3 sa 32 nasawi pinangalan, marahil may 1 Italian