Ang permit to stay ay nagbibigay ng karapatan sa mga dayuhan na regular na manatili sa Italya at magkaroon ng access sa mga serbisyo tulad ng pagpapatala bilang residente (iscrizione anagrafica), pagpapatala sa National Health Service (Servizio Sanitario Nazionale), pagpapatala sa Centri per l’impiego pati na rin para sa Inps at Inail.
Ito ay isang awtorisasyon na nag-iiba ang expiration batay sa uri nito. Ang renewal ng nabanggit na dokumento ay kailangang gawin ng atleast 90 araw bago ang petsa ng expiration ng motivi di lavoro subordinato a tempo indeterminato, 60 araw bago ang petsa ng expiration ng motivi di lavoro subordinato a tempo determinato at 30 araw naman sa ibang uri nito.
Sa proseso ng renewal, ang dayuhan ay maaring regular na manirahan at mag-trabaho sa bansa. Ngunit kung ang permit to stay ay expired na ng higit sa 60 araw at hindi nag-aplay o nag-request ng renewal nito, ang dayuhan ay maaring ikunsidera na hindi regular at ang questore ay maaaring patalsikin ang dayuhan batay sa artikulo 13 ng TU Immigrazione.
Gayunpaman, sakaling may sapat na dahilan upang hindi mai-renew ang permit to stay sa panahong nabanggit, ay obligasyon ng dayuhan na patunayan ang dahilan nito tulad ng tinatawag na ‘forza maggiore’.
Bukod dito, nasasaad din sa batas na “ang kusang pagsusumite ng aplikasyon para sa renewal ng permit to stay sa labas ng itinakdang 60 araw mula sa expiration date nito ay hindi awtomatikong nagpapahintulot sa pagpapatalsik sa dayuhan.
Ngunit ipatutupad ang expulsion kung ang naantalang aplikasyon ng renewal ay tinaggihan dahil sa kakulangan ng requirements na hinihingi ng batas at ang late na pagsusumite ng aplikasyon ng renewal nito ay maaring maging indikasyon sa pagsusuri ng kabuuang sitwasyon ng aplikante”. (Cass. SS. UU. No. 7892/2003).
Basahin rin:
PGA