in

False declaration sa public official, hadlang sa Regularization?

Ako ay minsang na-kontrol ng awtoridad at pekeng pangalan ang aking ibinigay. Ngayon ay nais kong maging regular sa pamamagitan ng Sanatoria. Ang pagbibigay ko ba ng pekeng pangalan sa nakaraan ay maaaring maging hadlang upang magkaroon ng permit to stay sa pamamagitan ng Sanatoria ngayon?

Ang legislative decree 109 ng 2012, ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga employer, na tumanggap ng mga mangaggawang walang permit to stay, ang gawing regular ang mga ito sa pamamagitan ng Sanatoria simula Sept 15 hanggang Oct 15.

Dayuhang manggagawang hindi kabilang sa Regularization
Hindi lahat ng mga banyagang manggagawa ay maaaring i-regularized. Partikular, ayon sa batas ay hindi kabilang ang mga banyagang manggagawa:

a) binigyan ng order of expulsion dahil sa public order and security at bilang pagpigil sa terorismo.

b) nasa black list o naka report batay sa internasyonal na kasunduan o convention para sa Italya, upang hindi makapasok sa bansa

c) nahatulan, kahit na ang sentensya ay hindi pa pinal, kabilang ang mga nabanggit na krimen sa artikulo 380 ng penal code.

d) ang mga itinuturing na mapanganib sa public order and security ng bansa o ng mga bansa kung saan mayroong kasunduan ang bansang Italya para sa mga border control at free circulation ng mga mamamayan.

Ang finger print

Sa pagbibigay ng permit to stay, ang dayuhan ay kukunan ng fingerprint sa Immigration office ng Questura. Kung sa nakaraan ang dayuhan ay nagbigay ng pekeng pangalan sa kontrol ng awtoridad at kinunan rin ng fingerprint, ang regularization gamit ang tunay na pangalan ay maaaring maging positibo ang resulta ngunit hindi rin maiiwasang matuklasan ang pagbibigay ng pekeng pangalan sa nakaraan sa pamamagitan ng fingerprint.

Ang krimen ng false declaration sa public official

Ang pagbibigay ng false declaration ukol sa personal identities sa isang public official ay isang krimen na maaaring sampahan ng penal case. Ang ganitong uri ng krimen, gayunpaman, ay hindi hadlang sa regularization at hindi magdudulot ng anumang pagkaantala o pagtanggi sa permit to stay para sa trabaho.

Sakaso lamang kung saan ang non-EU national ay nasampahan ng ibang uri ng krimen, at maituturing na ‘mapanganib’ ay maaaring hindi pagkalooban ng permit to stay at maaaring tanggaihan ito.

Gayunpaman, ang ganitong uri ng kaso ay hindi maaaring ituring na pangkalahatan at maaaring suriin isa-isa ang bawat kaso.   

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, sinaksak ng kasama sa apartment

Regolarizzazione. Le FAQ del ministero del Lavoro