Ako po ay isang colf at nakatira ako sa tahanan ng aking employer. Nais kong papuntahin ang aking asawa at anak sa Italya ngunit sila ay hindi maaaring tumira sa aking tinutuluyan ngayon. Maaari ba akong mag-aplay ng family reunification kahit na magkaiba ang aming titirahan?
Roma, Abril 12, 2016 – Maaaring mag-aplay ng family reunification kahit na ang aplikante ay iba ang tirahang ilalagay ng kinukuhang miyembro ng pamilya sa aplikasyon. Siguraduhin lamang na ito ay tumutugon sa mga hinihinging requirements ng batas na mapapatunyan sa pamamagitan ng certificato di idoneità alloggiativa.
Sa mga partikuar na pagkakataon, ang requirement ukol sa tahanan ay maituturing na natugunan kahit na ang aplikante ay nagnanais na lumipat kasama ang miyembro ng pamilya sa pagdating nito at sa kasong ang aplikante ay nagbigay ng ibang matutuluyan.
Bukod sa angkop na tirahan, isa sa mga pangunahing requirement para sa family reunification ay ang sahod. Sa katunayan, sa pagpapadala ng aplikasyon, ang aplikante ay kailangang mayroong taunang sahod, buhat sa legal na paraan, na hindi lalampas sa halaga ng social allowance sa taon ng pag-aaplay (€ 5825 per 2016) at nadadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat miyembro ng pamilya na kinukuha).
Ipinapaalala rin na maaaring mag-aplay ng nulla osta o awtorisasyon para sa family reunification ng miyembro ng pamilya na nasa Pilipinas kung ang aplikante ay mayroong balidong permit to stay na hindi bababa sa isang taon o carta di soggiorno para sa subordinate job o self employment, asylum, pag-aaral, religious o pang-pamilya.
Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification
Family reunification, halaga ng sahod na kailangan sa pagpunta sa Italya ng asawa at anak
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog ni: PGA