Ang carta di soggiorno ay maaaring ibigay sa kapatid na undocumented ng naturalized italian. Narito kung paano gawin ang family reunification process.
Kung isang undocumented at miyembro ng pamilya, hanggang second degree, ng isang naturalized italian at nakatirang kapisan nito ay maaaring mag-aplay ng carta di soggiorno per motivi familiari.
Ang EC long term residence permit o carta di soggiorno, sa katunayan, ay nakalaan din sa kapatid na walang balidong permit to stay ng naturalized italian. Sa kundisyong sila ay magkasama sa iisang tirahan. Sa katunayan, ayon sa batas, hindi maaaring patawan ng order of expulsion ang miyembro ng pamilya at may karapatan sa carta di soggiorno per motivi familiari.
Ito ay malinaw na nasasaad sa ‘Testo Unico sull’Immigrazione’ noong 1998 na nagsasaad na “hindi pinapatawan ng expulsion ang mga dayuhang miyembro ng pamilya hanggang ikalawang grado na undocumented at kapisan sa tirahan”.
Samakatwid ay isang obligasyon para sa Questura ang mag-release ng dokumento per motivi familiari kung nagtataglay ng dalawang pangunahing kundisyong nabanggit. At ang kakulangan ng isa sa dalawang kundisyon ay maaaring maging dahilan upang tanggihan ang releasing ng dokumento.
Paano mag-aplay ng permesso di soggiorno per motivi familiari?
Ang dayuhang kapamilya ng naturalized italian ay kailangang magtungo ng personal sa Questura Centrale, dala ang mga dokumento ng magpapatunay ng relasyon sa naturalized italian. Kinikilalang balido ang mga sertipiko mula sa bansang pinanggalinagn, halimbawa mula sa Pilipinas at hindi tinatanggap ang mga dokumento na inisyu ng embahada o konsulado sa Italya.
Lahat ng mga dokumento na magpapatunay ng relasyon ay kailangang translated, legalized at authenticated ng Italian embassy o consulte sa sariling bansa.
Bukod dito ay kailangan din ang isang deklarasyon buhat sa kapatid na naturalized italian kung saan nasaaad ang pagnanais na sagutin ang anumang gastusin at magbibigay ng angkop na tirahan para sa akomodasyon nito para sa family reunification process.
Ang aplikasyon para sa permesso di soggiorno ay hindi isusumite sa pamamagitan ng kilalang ‘kit postale’ bagkus ay sa Ufficio Stranieri ng Questura dahil sa gagawing pagsusuri nito mula sa paninirahan sa iisang tirahan.
Ang sinumang pinagkakalooban ng ganitong uri ng permit to stay ay kasabay na pinagkakalooban ng lahat ng kapatan, pati na rin ang health assistance at ang posibilidad na regular na ma-empleyo o matanggap sa trabaho.