Ang mga colf, caregivers at babysitters ay may karapatan sa ferie retribuite o bayad na bakasyon. Ang panuntunan sa kalkulasyon ng mga nabanggit ay itinatalaga ng Inps batay sa mga probisyon ng batas. Tulad ng minimum salary, ito ay ina-update ng Inps taun-taon.
Bilang ng araw ng bakasyon o ferie
Anuman ang oras ng trabaho kada araw at linggo, ang mga colf ay may karapatan sa 26 na araw ng bakasyon o ferie.
Hindi mahalaga kung ilang oras na nag-trabaho: part time o full time man, kada taon ng serbisyo ng paglilingkod sa employer, ay mayroong karapatan sa 26 working days bilang bakasyon ang mga colf, kasama ang araw ng Sabado (at hindi kabilang ang araw ng Linggo at ang mga pista opisyal sa working days).
Gayunpaman, ang panahon ng bakasyon ay dapat na napagkasunduan ng employer at worker upang matugunan ang pangangailangan ng pareho. Karaniwang ang bakasyon ay ibinibigay sa pagitan ng buwan ng Hunyo at Setyembre, ngunit hindi maaaring kunin sa ibang buwan maliban na lamang kung napag kasunduan.
Maaaring hatiin ang bakasyon sa 2 bahagi:ang unang 2 linggo sa loob ng isang buong taon at ang ikalawang 2 linggo naman ay bago sumapit ang ika-18 buwan.
Kung ang worker ay nagta-trabaho ng wala pang isang taon ay maaari bang magbakasyon?
Sa worker na hindi pa umabot sa isang taon ang serbisyo, ngunit natapos ang panahon ng ‘pagsubok’ o ‘prova’ batay sa CCNL ayon sa antas ng trabaho ay dapat ibigay ang ika-12 bahagi ng panahon ng bakasyon batay sa panahong ipinag-trabaho. Mangyaring tandaan na ang working days ay 6 na araw mula Lunes hanggang Sabado. Halimbawa, kung ang worker ay nagtrabaho ng anim na buwan ay may karapatan sa 13 araw ng trabaho ng bakasyon
Hal (26gg/12 = 2.17 na araw bawat buwan; 2.17days x 6 months = 13 opisyal na araw ng bakasyon).
Sa kaso ng pagtatanggal sa trabaho o pagbibitiw, sa worker ay dapat ibigay ang ika-12 bahagi ng panahon ng bakasyon batay sa buwang ipinag-trabaho. Ang bakasyon ay hindi maaaring ibigay matapos magbigay-abiso ng pagtatanggal sa trabaho o sa panahon ng sick leave.
Kung ang worker ay mayroong buwanang sahod, ay ibibigay ang sahod ng walang anumang kaltas. Sa katunayan, sa bawat araw ng bakasyon, sa worker ay kailangang ibigay ang 1/26 ng buwanang sahod. Kung per hour naman ay kailangang makuha ang kabuuang oras kada buwan at ito ay idi-divide sa 26 upang makuha ang bilang ng oras na katumbas ng araw ng ferie.
Halimbawa:
Para sa isang colf na nagta-trabaho ng 12 hrs kada linggo, ay kakalkulahin muna ang oras sa isang buwang trabaho
12 X 4,3333 – ito ay dahil ang isang buwan ay mayroong 4,33 linggo.
Pagkatapos ay idi-divide sa bilang ng oras ng nag-trabaho sa isang buwan (52) ang araw ng ferie sa isang taon (26).
52/26 = 2.
Ang bilang ng oras ay imu-multiply sa sahod kada oras
2 X 8 euros = 16 ang halaga ng bayad na ferie