Ang mga requirements para sa mga employer sa pag-aaplay ng nulla osta al lavoro subordinato ay napapasailalim sa pagsusuri batay sa uri ng aplikasyon. Dahil dito, ang Sportello Unico Immigrazione ay sinusuri sa bawat aplikasyon, ang lahat ng mga requirements pati na rin ang limitasyon sa bilang ng dekreto kung pasok sa quota.
Kung sa nakaraan ay nagsumite na ng aplikasyon para sa nulla osta al lavoro ang employer at ito ay rejected dahil sa pagkakaroon ng hadlang sa parte ng employer (art. 31, co 2 ng TU Immigrazione), ang bagong aplikasyon ay muling dadaan sa pagsusuri upang siguraduhin ang pagiging kwalipikado nito at ang kawalan ng anumang hadlang. (Avv. Federica Merlo, stranieriinitalia.it)