Mayroong mga partikular na regulasyon para sa mga non-Europeans at mga mamamayan ng mga hindi Member States na nagnanais na bumalik ‘for good’ sa kanilang country of origin bago maging kwalipikado sa pagtanggap ng pensyon sa Italya.
Sa katunayan, ang non-EU worker na mayroong contratto di lavoro na hindi ‘stagionale’ o seasonal na nagnanais umuwi for good, ay nananatili ang karapatang makatanggap ng pensyon ngunit ito ay matatanggap lamang sa pagsapit ng pensionable age. (Batas 189/2002).
Tandaan: Upang ma-verify ang panahon ng kontribusyon na kinakailangan para ma-claim ang pensyon, kakailanganing isaalang-alang kung ang sistema ng kontribusyon (batay sa kabuuan ng mga kontribusyon na wastong binayaran para sa mga manggagawang natanggap sa trabaho pagkatapos ng Disyembre 31, 1995) o sahod (batay sa suweldo ng mga huling taon ng trabaho, at para sa mga tao na noong 31 Disyembre 1995, ay nagkaroon ng hindi bababa sa 18 taon ng kontribusyon).
Samakatwid:
- mga workers na na-empleyo bago ang taong 1996: maaaring matanggap ang old age pension sa pensionable age, batay sa adjustment to life expectancy, na may 20 taon na kontribusyon;
- mga workers na na-empleyo makalipas ang taong 1996: maaaring matanggap ang old age pension sa pensionable age, kahit pa hindi nakumpleto ang 20 taong kontribusyon.
Seasonal workers:
May ibang regulasyon para sa mga seasonal workers, na maaaring maglipat ng mga kontribusyon na binayaran habang nasa Italya, sa kanilang country of origin.
Samakatiwd, hindi maaaring somahin ang panahon ng kontribusyon sa kasong nagtrabaho sa higit sa isang EU countries o bansang mayrong kasunduan sa Italya, ngunit posibleng ipagpatuloy ito sa kasong babalik sa Italya.
Sakaling mamatay ang worker sa pagbalik sa sariling bansa, ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring matanggap ang pensyon, sa kasong ang pagkamatay ay naganap matapos umabot sa pensionable age. (Atty. Federica Merlo)