Ako ay isang Pilipino, regular na residente sa Italya at nais kong umuwi sa Pilipinas. Gaano katagal maaari akong manatili doon nang hindi nawawalan ng bisa ang aking permit to stay?
Ang mga non-EU nationals na nagtataglay ng balidong permit to stay, ay maaaring pansamantala umalis sa bansang Italya, ngunit ang batas ay nagtalaga ng mga kondisyon.
Una sa lahat ay kailangan alamin ang validity ng permit to stay.
Ayon sa artikulo. 13 ng Presidential Decree 394/99, ang pagpapatupad ng regulasyon (o implementing rules) ng Immigration Law ay nagsasaad na ang permit o stay ay hindi maaaring ma-renew kung ang pananatili ng mamamayang dayuhan sa Italya ay napatlangan ng higit sa anim na buwang tuluy-tuloy. Ito ay para sa mga permit to stay na balido ng isang taon.
Gayunpaman, kung ang permit to stay ay balido ng dalawang taon, ay pinahihintulutan ang pansamantalang paglisan sa bansang Italya, katumbas ng kalahati ng panahon ng validity ng nasabing dokumento. Samakatwid, isang taon.
Kung ang Pilipino ay kinakailangang manatili sa Pilipinas higit sa panahong itinalaga ng batas, dahil sa mga pangyayaring di-maiiwasan tulad ng pagkaka-ospital o ang pagkakasakit, ay nananatili ang karapatang ma-renew ang permit to stay. Kinikilala ng batas ang renewal nito, sa kabila ng mahabang panahong paglisan sa bansang Italya dahil sa malubhang karamdaman ng asawa o anak (o kamag-anak ng first degree). Mahalagang itago ang mga dokumento na magpapatunay ng dahilan ng matagal na pananatili sa Pilipinas at ang kaukulang translation at legalization ng mga nasabing dokumento sa Embahada ng Italya sa Pilipinas.
Kung ang permit to stay ay napaso o nag-expired habang ang Pilipino ay nasa Pilipinas ay maaaring bumalik sa Italya sa pamamagitan ng re-entry visa na ipagkakaloob naman sa Italian Embassy sa Pilipinas. Isaalang-alang na ang expiration ng permit to stay ay hindi dapat lumampas ng 60 araw. Sa sinumang nagkaroon ng malubhang karamdaman ay pinahihintulutan hanggang 1 taon.
Samantala, kinakailangang ipakita ang expired permit to stay sa pag-aaplay ng re-entry visa sa Embahada ng Italya sa Piliinas na hihingi naman ng awtorisasyon mula aa Questura sa Italya.