in

Gaano katagal maghihintay ng sagot matapos isumite ang aplikasyon ng family reunification?

Kinukuha ko ang aking asawa sa pamamagitan ng family reunification. Gaano katagal upang magkaroon ng nulla osta? Ang entry visa? Ano ang maaaring gawin kung walang tugon mula sa mga tanggapan?

 

Ang aplikasyon para sa family reunification ay kailangang ipadala online sa Sportello Unico per l’immigrazione, matapos ang mag-register sa angkop na seksyon ng website ng Ministry of Interior gamit ang form na inilathala sa inilaang seksyon na “Ricongiungimenti familiari”.Matapos ipadala ang aplikasyon, ang online system ay magbibigay ng resibo na nagpapatunay sa petsa at sa pagsusumite nito.

Ang Sportello Unico ay tatanggap ng opinyon buhat sa Questura ukol sa kawalan ng hadlang sa pagpasok ng kinukuhang miyembro ng pamilya at matapos matanggap ang positibong opinyon, ay tatawagin ang aplikante para sa releasing ng nulla osta o awtorisasyon at sa pagsusumite ng mga dokumento ukol sa sahod at tirahan. Matapos matanggap ang nulla osta mula sa Sportello Unico, ang kinukuhang miymebro ng pamilya ay maaari ng magpunta sa Italian Embassy sa Maynila upang mag-aplay ng entry visa, sa pamamagitan ng mga dokumento na nagpapatunay ng relasyon o pagiging asawa ng aplikante sa Italya.

Gaano katagal ang proseso nito?

Mula sa petsa ng pagsumite ng aplikasyon, ang Sportello Unico ay nangangailangan ng 180 araw tulad ng nasasaad sa Testo Unico per l’Immigrazione, para magbigay ng nulla osta o ang tanggihan ang aplikasyon (art. 9 talata 8). Ang Italian Embassy/Consulate naman ay mayroong 30 araw upang ibigay o itanggi ang entry visa. Kung ang Sportello Unico o ang Consulate ay hihingi ng karagdagang dokumentasyon, ang nabanggit na palugit ay ihihinto at magsisimula muli ang bilang nito mula sa petsa ng pagsusumite ng ilalakip na dokumento.

Pagkalipas ng 180 araw ay maituturing na tanggap ang aplikasyon?

Pagkatapos ng palugit na nabaggit at walang anumang desisyon ang Sportello Unico, ang aplikante ay maaari lamang mag-follw up sa tanggapan na ibigay o tanggihan ang nulla osta. Ang katahimikan ng Sportello Unico, sa katunayan, ay hindi nangangahulugan ng awtomatikong pagtanggap sa aplikasyon, hindi tulad sa nakaraan bago nagkaroon ng mga pagbabago sa pag-proseso ng family reunification noong 2009.

Sa katunayan, sa dating teksto ay pinahihintulutan ang miyembro ng pamilya na kinukuha na direktang magtungo sa Italian EmbassyConsulate at mag-aplay ng entry visa kung matapos ang palugit na 90 araw (ngayon ay 180 araw) ay walang tugon ang Sportello Unico. Sa kasalukuyan ay maaari lamang mag-follow up ang aplikante sa tanggapan at magsampa ng reklamo sa kasong urgent ang aplikasyon.

 

ni: Avv. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unemployment allowance o NASPI, hindi matatanggap ng 300,000 domestic workers

Reporma ng Pagkamamamayan, pending sa Senado