Ako ay isa sa pinalad na mabigyan ng nulla osta per lavoro stagionale ng Sportello Unico. Ngunit ako ay deported sa nakaraan at gumamit ng ibang pangalan. Anong panganib ang maaari kong harapin? Babawiin ba ang aking permesso di soggiorno?
Ang isang dayuhang pumasok sa Italya na may entry visa for seasonal job, pumirma sa kontrata (contract of employment) sa Sportello Unico per l’Immigrazione ay dapat magsumite sa post office ng aplikasyon (kit) para sa unang issuance ng permesso di soggiorno.
Kasabay sa pagpapadala ng kit, ibibigay rin ng tauhan ng Post Office sa dayuhan ang araw ng appointment (written communication) sa Questura para sa fingerprints.
Kung ang dayuhan, bagaman nagbigay ng pekeng pangalan ay kinunan ng fingerprint dahil sa expulsion ay maaaring maging hadlang sa issuance ng permit to stay kahit pa ang Sportello Unico ay nagbigay ng nulla osta.
Ang employer ay hindi malalagay sa panganib at walang dapat ikabahala. Ang dayuhan ang kailangang sumagot sa batas ukol dito. At dahil sa nagbigay ang dayuhan ng false declaration sa pampublikong opisyal, kasinungalingan tungkol sa sariling pagkakakilanlan o katangian na nakasaad sa art. 496 ng Penal Code, ay maaaring parusahan ito ng pagkakabilanggo hanggang isang taon o ng multa hanggang sa € 516.
Ang sitwasyon ay magiging mas malubha kung bukod sa pagbibigay ng mga pekeng impormasyon, ay nagbigay pa ng pekeng dokumento (tulad ng pasaporte). Sa ganitong kaso, ipapataw rin ang ibang uri ng krimen (489 pc). Bubuksan ang criminal proceedings laban sa dayuhan kung saan maaaring masentensyahan ito.
Gayunpaman, sa parehong mga kaso ay kinakailangan ang mga paglilinaw.
Ang artikulo 5 ng unang talata ng batas 286/98 ay nagsasaad na maaaring manirahan sa bansa ang mga dayuhang legal na pumasok sa bansa alinsunod sa art. talata 3 o 4 o kaya’y hindi magiging banta (threat) sa kaayusan at seguridad ng bansa; na hindi nahatulan sa mga krimen na binabanggit sa art. 380 talata 1 at 2 ng Penal Code o kaya’y iba pang krimen tulad ng pagkaka-sangkot sa droga, sex trafficking, ang pakikipagsabwatan sa illegal migration, atbp.
Sa lahat ng mga paglabag, kabilang ang mga nabanggit sa Criminal Code Procedure (hal. robbery, pananakit at pagnanakaw) ay walang kinalaman sa false declaration at pagpapanggap.
Gayunpaman, iba ang totoong problema: ang nulla osta ay ipinagkaloob hindi batay sa pekeng impormasyong ibinigay ng dayuhan. Kung ang dayuhan ay nagbigay ng tunay na pagkakakilanlan ay hindi magpapahayag ng positibong opinyon ang Questura at samakatwid ay hindi makakapsok sa Italya ang dayuhang deported.
Sakaling matuklasan ng Questura ang nakaraang deportasyon bukod sa mga krimeng nabanggit sa itaas, ang issuance ang permit to stay ay maaaring tanggihan.
Hindi maaaring takasan ang expulsion order at pumasok sa Italya ng may pandaraya o panlilinlang. Ito ay tumutukoy hindi lamang ng pagtakas sa Immigration control, kundi pati sa pagpigil sa illegal entry sa pamamagitan ng wastong pagpasok sa bansa (Cassazione Civile sez.I sentenza 13864/01).
Sa puntong ito kailangang maghintay at makita kung paano ang sitwasyon ay mababago at ang lahat ng ito ay nakasalalay sa Questura. Sakaling muling mabigyan ng order of expulsion, ang dayuhan ay maaaring umapela sa korte.