in

Halaga ng cash na maaaring dalhin sa paglabas sa Italya

Magandang araw. Ako ay uuwi ng Pilipinas at nais kong malaman kung magkano ang limitasyon sa cash na maaaring dalhin at ilabas ng Italya. Dapat bang gumawa ng deklarasyon?

Hanggang € 9,999.99 ang bawat traveler ay malayang magdala ng cash na maaaring ipasok o ilabas sa italian border. At ito ay balido rin sa pagbibiyahe mula o papunta sa mga bansa ng EU at maging mula at papunta sa mga non-EU countries.

Gayunpaman, kapag ang halagang dala ay katumbas o mas higit sa €10,000 ay kailangang gumawa ng isang deklarasyon na isusumite sa Customs. Ang form na dapat gamitin sa deklarasyon ay matatagpuan sa website ng Agenzia delle Dogane e dei Monopoli www.agenziadoganemonopoli.gov.it.

Lahat ng papasok at lalabas ng bansang Italya ay kailangan gawin ang deklarasyong ito, anumang halaga ang kinikita o uri ng hanapbuhay. Samakatwid, kahit mag-aaral, unemployed, employee, self-employed, professionals, businessmen at iba pa, na may dalang cash na higit sa itinakda ng batas ay kailangang gawin ang deklarasyon.

Sa deklarasyon ay ilalagay rin ang personal datas at kung iba sa declarer, ang datos ng taong nagpadala nito. Kailangan ding tukuyin ang eksaktong halaga, ang pinagmulan ng pera, ang pangalan ng tatanggap kung iba sa declarer, at ang magiging gamit nito. Ilalagay rin ang sariling itinerary at ang ginamit na uri ng transportasyon.

Gayunpaman, ang € 10,000 na dapat ideklara sa airport ay hindi na tumutukoy sa cash lamang at hindi na ito fixed figure lamang. Sa katunayan upang maiwasan ang mga paglabag at pagtakas sa halip ay pagdadala ng halagang bahagyang mababa sa itinakda ng batas, ang kahulugan ng cash ay pinalawak.

Pagdating sa “cash“, hindi na ito tumutukoy lamang sa perang papel bagkus ay tumutukoy din sa mga valuables o mahahalagang bagay na may mataas na value tulad ng ginto, precious stones at prepaid o rechargeable cards.

Nangangahulugan ito na kung ang traveler ay may € 9000 cash at dalawang tig-thousand euros na relo at ilang mga jewels, siya ay may obligasyong gawin ang deklarasyon. Ito ay inaprobahan ng EU Commission at ganap na nagbabago sa patakaran sa pagdadala ng cash sa ibang bansa.

Ang sinumang hindi gagawa ng deklarasyon at matutuklasan ang pagdadala ng 10,000 euros, ay papatawan ng mabigat na parusa, na tumataas batay sa halagang dala. Sa katunayan ay maaaring ma-kumpiska mula 30% hanggang 50% ng halaga at mamultahan mula sa 10% hanggang 50% ng halagang labis sa 9,999 Euros. Ang minimum fine ay € 300.

DICHIARAZIONE DI TRASFERIMENTO DI DENARO CONTANTE DI IMPORTO COMPLESSIVO PARI O SUPERIORE AL CONTROVALORE DI € 10.000

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online, bagong paraan ng appointment system ng mga ‘permessi cartacei’

Mga dapat malaman tungkol sa Myoma