in

Halos 1 taon sa labas ng Italya. Makaka-apekto ba sa aplikasyon ng citizenship?

Italian citizenship ng mga dayuhang ipinanganak sa Italya, narito kung paano

Magandang araw po. Nais kong mag-aplay ng citizenship pero ako po nasa labas ng bansang Italya ng halos isang taon. Ito po ba ay makaka-apekto sa mga requirements ng citizenship?

Ang Batas sa Citizenship bilang 91/92 ay nagsasaad ng konsepto ng regular residency bilang pangunahing requirement para sa mga dayuhan na nag-aaplay ng citizenship per residency ayon sa artikulo 9 ng nasabing batas. Sa katunayan, ayon sa artikulo 1 ng batas n. 572/93, ay itinuturing na regular na naninirahan sa Italya ang mga dayuhang nakakatugon sa mga panuntunang hinihingi para sa permit to stay at sa pagpapatala sa anagrafe (o General Register Office) ng Munispyo.

Salamat sa paglilinaw ng batas, sa kasalukuyan ay itinuturing na ang maikling panahon ng paglabas sa bansang Italya dahil sa mga balidong dahilan (dahil sa trabaho o pag-aaral gayun din ang pagtulong sa pamilya sa sariling bansa) ay hindi dapat maka-apekto sa requirement ng regular residency kung ang dayuhan ay maipapakitang nananatili ang pagkakatala sa anagrafe at ang pagkakaroon ng balidong permit to stay sa panahon ng pansamantalang pagliban ng bansa.

Upang ito ay mapatunayan, ang aplikante ay dapat na ilakip kasama ng aplikasyon, kung hinihingi ng awtoridad, ang angkop na dokumentasyon na magpapatunay ng balidong dahilan ng pansamantalang paglabas ng bansang Italya at ang pananatili ng pagiging regular na residente sa Italya.

Dapat ring isaalang-alang, na ang pagbibigay ng citizenship batay sa artikulo 9 ng batas n. 91/92 ay tunay na maingat. Matapos ang panahong lumipas itinakda (o apat na taon mula sa dalawang taon) mula sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon, ang dayuhan ay maaaring magpadala ng isang lettera di diffida sa public administration, sa loob ng isang taon, upang makatanggap ng balita ukol sa aplikasyon sa pamamagitan ng paghingi ng pahintulot na maka-access sa mga files (batas 241/90 ukol sa  mga panuntunan ng administratibong pamamaraan at karapatang maka-access sa mga dokumentong pang-administratibo ). Hindi ito nangangailangan ng tulong ng isang abogado, maliban na lamang kung didiretso sa Hukuman.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano gagawing regular ang pananatili sa Italya ng mga magulang ng naturalized italian citizen?

“Improving oneself has no time, age nor boundaries” – IParamedici