in

Hanggang saan ako pwedeng mamili o mag-grocery sa panahon ng paghihigpit?

Reddito Alimentare

Ang mga pinahihintulutang dahilan ng paglalakbay o paglabas ng bahay sa panahon ng krisis pangkalusugan at pagpapatupad ng decreto Io resto a casa ay ang pagpunta sa trabaho, emerhensya o dahil sa kalusugan. Bukod sa mga nabanggit ay nananatiling may pahintulot ang “mga sumasaklaw sa pangaraw-araw na pamumuhay o regular na ginagawa dahil sa maigsing distansyang tinatahak“, tulad ng pamimili o grocery.

Ang pamimili o grocery ay maaaring walking distance mula sa tahanan o gumamit ng sariling sasakyan o public transportation, ngunit ito ay posibleng gawin sa pinakamalapit sa sariling tahanan o sa sinumang nagta-trabaho ay dapat na malapit sa trabaho. Dahil ang lahat ng paglalakbay o paglabas ng bahay ay nililimitahan

Samantala, sa isang Circular ng Ministry of Interior sa mga prefecture, batay sa DPCM 22 Marzo, ay nilinaw ang pagbabawal ng paglalakbay papunta sa ibang Comune mula sa  Comune kung saan naninirahan. 

Ang Ministry of Interior ay nagbigay ng 2 halimbawa. Sa kasong kailangang mag-grocery sa isang pamilihan sa ibang Comune dahil ito ay mas malapit o mas madaling puntahan mula sa sariling tahanan o ang paglalakbay, dahil sa kawalan ng trabaho ay iba ang pansamantalang tinutuluyan mula sa karaniwang tirahan

Tandaan na sa bawat paglabas ng bahay sa dahilang pinahihintulutan ng ipinatutupad ng batas, ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng autocertificazione. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ora legale, nagbabalik

Covid 19 Vaccine, kailan ba ito lalabas sa merkado?