in

Hindi deklarado ang trabaho bilang colf, anu ano ang maaaring harapin ng employer?

Isang taon nang nagta-trabaho para sa aking pamilya ang isang colf na Filipina ngunit hindi ito naka-declare. Anong mga parusa ang dapat kong harapin?

altMarso 19, 2012 – Ang sitwasyon ay depende sa kasalukuyang sitwasyon ng Filipina, kung siya ba ay regular o hindi sa Italya.

1) Regular na manggagawa at mayroong permit to stay sa Italya

Bago simulan ang trabaho, ang employer ay dapat gawin ang komunikasyon ng hiring o i-declare ang pagta-trabaho ng dayuhan ng employer.

Kung ang komunikasyon ay hindi gagawin, ang batas sa Italya ay nagbibigay ng kaukulang mga parusa.Una sa lahat, ang hindi  pagde-declare sa manggagawa o ang hindi pagbibigay ng komunikasyon sa mga pagbabago ng trabaho ay mayroong nakalaang fine o multa sa Provincial Labor Office mula 200 hanggang 500 euro bawat manggagawa na hindi na-declare o hindi naipagbigay-alam ang mga pagbabago o maging ang pagtatanggal sa trabaho sa mga ito.  

Sa nakaraang mga taon, ay pinabigat at hinigpitan ang mga parusa upang labanan ang undeclared na trabaho. Ang batas n. 248/2006 na-convert sa kilalang “decreto Bersani ” ay ipinatupad ang ‘maxi-sanzione per il lavoro sommerso’ o ang malaking multa laban sa lavoro nero o undeclared jobs mula 1.500 hanggang 12,000 euros, at tumataas ng 150 euros sa bawat lumilipas na araw ng irregularities. Bilang karagdagan, ang multa ng 3,000 euros mula sa Inps.

Halimbawa: Ang isang employer na hindi inulat ang hiring o trabaho ng isang colf para sa isang taon,  limang araw sa isang linggo, sa kasong may mag-control ay maaaring mamultahan ng 42,000 € euro (150 x 260 araw = 39,000 € + € 3000).

2) Hindi legal o walang permit to stay sa Italya

Ang sitwasyon ay naiiba kung ang manggagawa ay walang permit to stay.

Sa kasong ito ay walang multa na tulad ng nabanggit sa itaas, dahil ang employer ay hindi maaaring gawin ang hiring, sa halip ay maaaring tumanggap ng legal sanctions.

Sa katunayan, ang teksto ng mga batas ng imigrasyon (o TU), ang batas. 286/98, ay nasasaad na ang mga employer na magbibigay ng trabaho sa sinumang walang permit to stay o sa sinumang mayroong kinansela o expired na permit to stay , ay paparusahan ng pagkakabilanggo mula 6 na buwan hanggang 6 na taon at multa ng 5 000 euro para sa bawat iligal na manggagawa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Inaalagaang matanda, ninakawan ng tagapag-alagang Pinay

Noynoying, uri ng protesta!