in

Hindi gumawa ng Dichiarazione dei Redditi, mamumultahan ba ang colf?

Ang pagkakaroon sa isang colf o badante ay nagbibigay obligasyon sa employer na gawing regular ang ‘rapporto di lavoro’ batay sa Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro, sa pamamagitan ng ‘comunicazione obbligatoria’ sa Centro per l’Impiego. Ito ay susundan ng pagbabayad ng ‘contributi’ o kontribusyon sa Inps ng colf tuwing tatlong buwan.

Obligasyon naman ng colf ay ang paggawa ng Dichiarazione dei Redditi, na sa pamamagitan nito ay makakalkula ang Irpef o ang buwis na dapat bayaran ng worker, kung mayroon man. 

Hindi gumawa ng Dichiarazione dei Redditi, magmumulta ba ang colf? 

Ang colf, sa pagkakaroon ng regular na contratto di lavoro at may regular na pagbabayad ng kontribusyon sa Inps mula sa employer ay madaling masusuri kung ginawa o hindi ang kanyang obligasyong gumawa ng dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng pagbabayad ng Irpef. 

Tandaan na ang dichiarazione redditi ay isang obligasyon sa domestic job, sakaling ang colf, caregiver o babysitter, sa nakaraang taon ay tumanggap ng kabuuang sahod mula € 8,000 pataas.

Ang hindi paggawa ng dichiarazione dei redditi, sa kabila ng pagiging obligadong gawin ito, ay maaaring magkaroon ng mabigat na parusa mula sa batas. 

Sa katunayan, ang colf ay maaaring magmulta mula 120% hanggang 240% ng halaga ng buwis na dapat bayaran. 

Ang pinakamababang halaga na posibleng bayaran ay €250.00. Kung ang colf ay obligadong gawin ang dichiarazione dei redditi at walang buwis na dapat bayaran, ang multa ay maaaring mula € 250 hanggang € 1000.

Ngunit kung ang dichiarazione dei redditi na hindi nagawa ng colf ay tumutukoy sa higit sa 1 taon, ang paglabag ay lumalala at ang multa ay nagiging mula kalahati hanggang triple ng multa na dapat bayaran. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Travel ban sa 3 bansa, pinalawig ng Italya hanggang June 21

Ako Ay Pilipino

European Green Pass at Italian Green Pass, ano ang pagkakaiba?