Parami ng parami ang mga Pilipino na italian passport holders. At bagaman ang italian passport ay ikatlo sa listahan ng pinaka-malakas na pasaporte sa buong mundo, ay maraming bansa kung saan hindi na kakailanganin ng mga Italo-Pinoys ang kanilang italian passport at sapat na ang pagkakaroon ng kilalang carta d’identità valida per l’espatrio na inisyu sa Italya.
Tulad ng alam ng nakakarami, dahil sa Schengen treaty, ang mga Europeans ay maaaring makapag biyahe sa Europa, partikular sa mga schengen countries, ng hindi kakailanganin ang pasaporte o kahit entry visa. Ngunit lingid sa kaalaman ng maraming Italians, ay maaari ring makapag-biyahe sa ilang non European countries na sapat na ang carta d’identita at samakatwid ay hindi kakailanganin ang italian passport.
Bukod sa mga schengen countries, ay kasama rin ang mga bansang Irland at Great Britain na hindi kakailanganin ang italian passport.
Magagamit din ba ang carta d’identita sa mga non-European countries?
Pati sa mga non european countries tulad ng Bosnia, Andorra, Vatican City, Iceland, Norway, Principality of Monaco, Switzerland, Serbia at San Marino ay sapat na rin ang carta d’identita.
Ang mga Europeans ay makakapasok din ng hindi kakailanganin ang pasaporte sa ilang mga extra-European na bahagi ng Spain at Portugal, tulad ng Azores at Madeira, na matatagpuan sa Atlantic Ocean.
Bilang karagdagan sa mga nabanngit, ang mga bansang hindi kinakailangan ang italian passport ay ang: Albania, Austria, Belgium, Bosnia-Herzegovina, Bulgaria, Cyprus, Croatia, Denmark, Egypt (kung saan kinakailangan ang isang picture para sa visa), Estonia, Finland, France, Germany , Gibraltar, Greece, Ireland, Iceland, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Morocco (sa organized trip lamang), Monaco, Norway, Holland, Poland, Portugal, United Kingdom , Czech Republic, Republic of Montenegro, Romania, Slovak Republic, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, Tunisia (sa organized trip lamang), Turkey (sa organized trip lamang) at Hungary.
Saan naman kakailanganin ang entry visa?
Ang mga bansang nangangailangan ng tourist o entry visa ay pakaunti ng pakaunti. Kabilang sa mga ito ang: Australia (90 days validity), China (mula 3 hanggang 6 na buwan na validity), Egypt (30 days validity), Japan: (para lamang sa more than 3 month stay), India (90 days validity ), Russia (30 days validity), Estados Unidos (sa kasong ito kakailangan ang ESTA, na ire-request online ng hindi bababa sa 3 araw bago umalis), South Africa (90 days validity), Thailand (para lamang sa more than 30 day stay).