in

Hindi makakarating sa fingerprinting para sa permit to stay, ano ang dapat gawin?

Maaari bang ipagkatiwala sa isang authorized person o ipagwalang-bahala na lamang at magpunta sa ibang araw ng walang anumang abiso sa Questura? Ano ang dapat gawin?

Maaaring sa iba’t ibang balidong dahilan, tulad ng kalusugan, trabaho o personal, ay hindi makakarating sa itinakdang araw o appointment para sa renewal ng permit to stay. Maaari ba itong ipagkatiwala sa isang authorized person o ipagwalang-bahala na lamang at kunin sa ibang araw ng walang anumang abiso sa Questura? Ano ang dapat gawin?

Mayroong tatlong mahahalagang bahagi ang renewal ng permit to stay na nangangailangan ng personal appearance o personal itong dapat gawin ng aplikante:

1) Pagpapadala ng kit: Ang aplikante ay kailangang personal na ipadala ang kit para sa releasing o renewal ng permit to stay sa post office, dahil ang operator ay susuriin kung ang larawan sa pasaporte at aplikante ay iisa. Ang papuntahin ang ibang tao ay magiging sanhi lamang ng sayang na panahon dahil hindi tatanggapin ang kit mula sa ibang tao maliban lamang sa aplikante.

2) Fingerprint sa Questura: Matapos ipadala ang kit, ang postal operator ay magbibigay ng letter of appointment o convocazione para sa petsa ng fingerprinting sa Questura. At dahil personal ang fingerprint, ang aplikante ay hindi maaaring mag-utos sa ibang tao para sa kanyang fingerprint. Kahit sa pagkakataong ito, ang aplikante ay kinikilala sa pamamagitan ng kanyang pasaporte.

3) Releasing ng permit to stay: Kapag ang bago o renewed permit to stay ay handa na, ang Questura ay nagpapadala ng komunikasyon sa aplikante ukol sa petsa, oras at address ng releasing ng dokumeto. Kahit sa pagkakataong ito, tulad ng nasasaad sa komunikasyon, ay kailangang dalhin ang balidong ID card (tulad ng pasaporte), ang expired permit to stay, at ang postal receipts. Matapos masuri na lahat ng datos ay tama, ay muling kukunan ng fingerprint sa halip ng normal na pirma. Dahil dito, hindi ito maaaring gawin ng ibang tao.

Kung hindi makakarating sa araw na itinakda para sa fingerprint o releasing ng permit to stay, ay maaaring hilinging ilipat ang araw nito sa pamamagitan ng pagtawag o sa pamamagitan ng isang komunikasyon sa Questura na sumasakop sa tirahan.

Samantala, hindi kakailanganin ang tumawag sa pagpapadala ng kit. Maaaring ipadala ang kit kahit walang appointment at anumang araw sa mga Sportello Amico.

Ngunit kung ang appointment naman ay tumutukoy sa paglalakip ng karagdagang dokumento (integrazione) upang makumpleto ang mga requirements, ay maaaring papuntahin ang ibang tao. Sa ganitong kaso ay kailangang mayroong authorization letter o delega ang papupuntahin, kopya ng balidong dokumento ng aplikante at kopya ng postal receipt.

Gayunpman, ang pakikipag-ugnayan sa awtoridad ay ipinapayong palagi sa halip na maniwala lamang sa mga naririnig.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paghihiwalay ng mag-asawa, pawawalang-bisa ang permesso per motivi familiari?

Gabay sa online application ng Italian citizenship