in

Hindi nagawa ang Dichiarazione dei Redditi 2022? May panahon pa hanggang February 28, 2023 

May panahon pa hanggang February 28, 2023 ang sinumang hindi nakagawa ng tax return o ang tinatawag na Dichiarazione dei Redditi 2022 para sa sahod ng taong 2021. 

Ang itinakdang deadline para sa taong 2022 ay September 30 para sa 730 at November 30 naman para sa Modello Redditi, ngunit mayroong 90 days makalipas ang huling nabanggit na petsa ang sinumang hindi magkapagsumite ng tax return. Samakatwid, simula December 1, 2022 hanggang February 28, 2023 ay pinahihintulutan ng batas ang late tax declaration, sa pamamagitan ng Modello REDDITI tardivo. 

Sa ganitong kaso, mas magaan na parusa o multa ang ipapataw, kumpara sa mga hindi gumawa ng deklarasyon. Partikular, kung ang late declaration ay walang babayarang buwis o walang debito, ang multa ay €25,00 sa halip na €250,00 na pinababa ng 1/10. Kung, ang deklarasyon, sa halip, ay lumabas na may buwis na dapat bayaran, bukod dito, ang interes at ang multa ay dapat ding bayaran.

Samakatuwid, simula sa March 1, 2023 ang dichiarazione na hindi magagawa hanggang February 28, 2023 ay ituturing na ‘omitted’ at sasailalim sa mas matinding parusa. 

Pinapaalalahanan ang lahat na gawin ang dichiarazione redditi sa panahong itinakda ng batas upang maiwasan ang anumang parusa at multa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Eleksyon ng MOVE OFW, idinaos  

Decreto Flussi 2022-2023, ilalabas na! Narito ang mga paglilinaw