in

Hindi nagbayad ng kontribusyon ang aking employer, nanganganib ba ang aking permit to stay?

Ako ay magre-renew ng permit to stay per lavoro subordinato, ngunit ang aking employer ay ilang buwan ng hindi nagbabayad ng kontribusyon. Ipagkakait ba sa akin ang renewal ng aking permit dahil dito?

Ang kawalan ng pagbabayad ng kontribusyon para sa social security mula sa lavoro subordinato ay hindi maaaring maka-apekto sa releasing ng permit to stay, dahil ang dayuhan ay hindi maaaring direktang maapektuhan sa pananagutang ito ng employer.

Sa katunayan, sa pagkakaroon ng lavoro subordinato, ang pagbabayad o paghuhulog ng kontribusyon ay obligasyon ng employer at dahil dito ang worker ay maaari lamang suriin kung nakapagbayad ito at ang  i-follow ito sa employer kung kinakailangan.

Iba naman ang kaso kung ang dayuhan ay self-employed dahil siya ang nag-iisang responsabile upang gawin ang pagbabayad ng kontribusyon na hinihingi ng batas, at sa ganitong kaso, ang kawalan ng pagbabayad ay maaaring magkaroon ng epekto sa renewal ng permit to stay.

Dahil dito, sa pagsusumite ng aplikasyon ng renewal ng permit to stay, ay sinusuri ng Questura ang dokumentasyon na lakip sa aplikasyon, kasama ang ukol sa trabaho. Sa kasong hindi kumpleto ang mga requirements, bago tuluyang tanggihan ang renewal at nagpapadala ng abiso sa aplikante kung saan nasasaad ang posibleng pagtanggi. Ang dayuhan, matapos matanggap ang abiso, ay maaaring ilakip sa aplikasyon, sa loob ng panahong nasasaad sa abiso, ang mga dokumento na nagpapatunay sa pagkakaroon ng mga requirements sa pananatili sa Italya.

Sa katunayan, ayon sa Batas ng Migrasyon, kung mayroong mga administrative irregularities na posibleng solusyunan, ang awtoridad ay hindi maaaring tanggihan o pawalang bisa ang dokumento, maliban na lamang kung mabibigong tugunan ito. Ang renewal ng permit to stay ay maaaring tanggihan sa kawalan lamang ng mga requirements para sa pananatili sa Italya ayon sa artikulo 5 ng D-Lgs. 286/98.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bukod sa ‘contributi’ ay kailangan ding bayaran ng employer sa Inps ang Cassa Colf, ano ito?

Selebrasyon ng ika-121 taong Araw ng Kalayaan, tagumpay sa Ravenna