in

Hindi natanggap ang liham mula sa Comune, paano ang italian citizenship makalipas ang 18 anyos?

Ako ay Pilipino
Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021

Ayon sa artikulo 4, talata 2 ng batas sa Pagkamamamayan bilang 91/92: “ang dayuhan na ipinanganak sa Italya na regular at tuluy-tuloy na residente hanggang sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, ay nagiging mamamayang italyano kung ide-ideklara ang pagnanais na maging mamamayang italyano sa loob ng isang taon”.

Para sa artikulo 43 ng batas na nabanggit, tinutukoy sa salitang ‘residenza’ ay ang tinitirahan ng dayuhan. Samantala, para sa juridical definition ng salitang ‘residenza’ ito ay tumutukoy naman sa official address o residenza anagrafica.

Ayon sa Ministry of Interior sa pamamagitan ng Circular n. 22 ng 2007, ang pagkaka-antala sa pagpapatala (iscrizione anagrafica) sa menor de edad ay hindi dapat maka-apekto sa pag-aaplay ng Italian citizenship kung ang dayuhang menor ay may tirahan o ang tinatawag na ‘residenza effettiva’.

Bukod dito, sa hatol bilang 419 ng January 28, 2019 ay nilinaw ng Napoli Court of Appeals na kikilalanin pa rin ang karapatan, sa kabila ng pag-aaplay makalipas ang ika-18 taong gulang, sa kundisyong mapapatunayan ang kawalan ng kaalaman ukol sa komunikasyon ng Comune sa pamamagitan ng liham na ipinadadala sa ‘residenza anagrafica’ at hindi sa ‘residenza effettiva’.

Samakatwid, sa mga kasong tulad ng nabanggit, o ang aplikasyon para sa italian citizenship makalipas ang panahong itinakda ng batas, (o 12 buwan makalipas ang ika-18 taong gulang), ay hindi maipagkakait ang karapatan.

Sa katunayan, ay kinilala ng hukuman ang italian citizenship sa isang Somalian na ipinanganak sa Italya at nag-aplay ng italian citizen kahit hindi kailanman naitala sa anagrafe (ngunit may pasaporto).

Ayon sa hukuman, ang requirement ng residency sa ganitong kaso ay tumutukoy sa tuluy-tuloy na pananatili sa bansang Italya na patutunayan sa pamamagitan ng bakuna, school certificate at iba pa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Multa ng € 1398 sa mage-empleyo ng undocumented

Paghihigpit sa mga dayuhan upang matanggap ang Reddito di Cittadinanza, isinusulong ng Lega