in

Hiring ng mga colf at babysitters tuwing summer period? Narito ang halaga ng sahod at uri ng kontrata

Colf, babysitters at caregivers ngayong summer: uri ng kontrata at lahat ng mga dapat malaman para sa hiring ng contratto determinato at contratto a ore.

Sa pagsapit ng summer season ay tumataas ang demand sa mga colf, caregivers at babysitters para sa summer period. Halimbawa, para sa mga pamilyang nagbabakasyon at kailangang ng tatao sa tahanang iiwan o taong makakasama ng magulang habang nasa bakasyon. Maari ding mga magulang na nagta-trabaho at nangangailangan ng mag-aalaga sa mga anak na kasalukuyang naka-bakasyon din sa paaralan. Maaaring hahalilinan ang colf na nagta-trbahao bilang substitute.

Samakatwid, maraming dahilan  para i-empleyo sa maigsing panahon ang mga colf, caregivers at babysitters tuwing summer. Ngunit ano nga ba ang regulasyon sa hiring: ang kontrata at ang halaga ng sahod para maging regular ito?

Para sa sahod ng colf, kahit na ang pangangailangan ay para sa maigsing panahon lamang (halimbawa summer season) ay pagbabasihan pa rin ang itinakdang minimum wage sa domestic job 2018. Para naman sa hiring kontrata ay maaaring magkarooon ng pribadong kasunduan ang colf at ang employer.

Matapos tanggalin ang voucher ng Inps, para maging regular ang hiring at  pagbabayad ng sahod ng mga colf at caregivers, ay maaaring bigyan ng contratto determinato o para naman sa mga nangangailangan ng part timer ay maaring maging isang collaborazione coordinate e continuative o (co.co.co) na hindi napapasailalaim ng isang kontrata o kasunduan.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na Colon Cancer

Bilancio Demografico Nazionale 2017, inilabas ng Istat