Nais kong humingi ng mga impormasyon ukol sa pagtatapos ng isang domestic job. Ano ang nakatakdang panahon sa pagbibigay ng abiso? Kailangan ko rin ba itong ipaalam sa tanggapan ng INPS?
Roma – Abril 16, 2012 – Ang domestic job ay maaaring magtapos anumang panahong naisin ng manggagawa at ng employer.
Hindi kailangan ng dahilan upang matapos ang isang trabaho ngunit dapat ay mayroong panahon ng abiso, na nag-iiba dipende sa oras ng trabaho, kung higit o mas mababa sa 24 oras kada linggo, at sa haba ng panahon ng serbisyo sa employer. Ang both parties ay maaaring magkasundo ukol sa panahon ng pagtatapos ng serbisyo o trabaho ngunit hindi dapat na mas mababa sa itinalaga ng batas.
Sa kaso ng pagtatanggal sa trabaho (licenziamento), kung ang manggagawa ay higit sa 24 oras bawat linggo ang oras ng trabaho at tumagal ng limang taon sa serbisyo sa iisang employer, ang panahon ng abiso ay dapat at least 15 days ng kalendaryo. Ang abiso ay dapat at least 30 days kung ang serbisyo ay hgit sa 5 taon.
Kung ang trabaho ay hanggang 24 oras bawat linggo ang abiso ay dapat at least 8 days ng kalendaryo, hanggang dalawang taon ng serbisyo at at least 15 days ng kalendaryo naman kung higit sa dalawang taon ang naging serbisyo.
Sa kaso ng pagbibitiw o pagre resign (o dimissione) ng empleyado ang panahong itinalaga ng batas ay nababawasan ng 50%.
Obligatory Communications
Ang mga komunikasyon o abiso ukol sa pagbabago o pagwawakas ng domestic job ay dapat na isumite sa loob ng limang araw sa tanggapan ng INPS mula sa araw ng nasabing pagbabago o pagwawakas ng trabaho ng employer mismo. Ang komunikasyon ay maaari lamang gawin online, at ukol sa temang ito ang INPS ay nagbigay ng maraming clarifications sa pamamagitan ng paglalabas ng ilang mga circulars na matatagpuan sa website nito (www.inps.it). Upang gawin ang mga komunikasyon na nabanggit ay dapat na magkaroon ng access sa website gamit ang isang codice pin na ipinagkakaloob mismo ng Inps o sa pamamagitan ng pagtawag sa Contact Centre, sa toll free number na 803,164.
Ang mga komunikasyong ito ay magagamit rin sa ilang serbisyong ukol dito tulad sa Ministry of Labor, Health at Welfare, Inail (Istituto Nazionale per l’Assicurazione contro gli Infortuni sul LavoroNational Institute for the Insurance Against on-the-job Injuries), gayun din sa prefecture-Local Government.
Separation Pay
Bilang pagtatapos, ay kailangang tandaan na sa pagwawakas ng isang trabaho, hakit pa ito ay pagtatanggal o pag-alis sa trabaho, ang domestic job ay palaging may karapatan sa pagkakaroon ng separation pay.