in

Ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling bahay sa Pasko?

decreto natale Ako ay Pilipino

Ang DPCM ng Dec. 3, kilala rin bilang ‘Decreto Natale’ na ipatutupad hanggang Jan 15 ay nagbibigay ng mga regulasyon ukol sa ‘limitadong’ pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon dahil sa mga restriksyon. Hangad ng gobyerno ang patuloy na bumama ang bilang ng mga infected ng covid19 sa bansa bilang paghahanda na rin sa nalalapit na mass vaccination

Narito ang nilalaman ng Decreto Natale.

Sa Decreto Natale ay walang malinaw na nagsasaad ng pagbabawal kung ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling tahanan sa Pasko o sa Bagong Taon, bagkus ay kinukumpirma nito ang matinding rekomendasyong nasasaad na sa nakaraang DPCM. Ito ay ang huwag tumanggap sa bahay ng mga bisita na hindi conviventi.

Sa sistema ng isang malayang bansa, hindi natin maaaring pasukin ang mga tahanan at magbigay ng mga pagbabawal sa loob nito. Maaari lamang tayong magbigay ng mga rekomendasyon at isang pakiusap sa lahat na sundin ito”, paliwanag ni Premier Giuseppe Conte sa ginawang live conference.

Isang mahigpit na rekomendasyon na huwag tumanggap ng mga bisita na hindi kasama sa bahay o ‘non conviventi.  Ang pag-iingat ay mahalaga upang maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay na may eded na o may mga karamdaman”, aniya.

Ang dekreto ay nagtatangal sa mga pagdiriwang o mga parties sa pribado at publikong lugar. Samakatwid, walang mega reunion ng mga pamilya at magkakaibagan ngayong Pasko. Bawal ang mga Christmas parties at mga exchange gifts. Kahit ‘brindisi’ o ‘toast’ sa outdoors ay bawal din. 

Dahil dito, pinapaigting din ang pagbabantay sa mga pangunahing plasa at kaldasa sa bansa, sa pagpapatupad ng curfew mula 10pm hanggang 5am, sa pagbabawal lumabas ng Rehiyon kung saan naroroon mula Dec21 hanggang January 6 at sa pagbabawal lumabasa mula sa sariling Comune ng mga petsang Dec 25, Dec 26 at Jan 1. 

Samakatwid, sa mga nalalapit na okasyon tanging ‘conviventi‘ o magkakasama sa iisang bahay ang magdidiwang ng magkakasama, batay sa rekomendasyon ng gobyerno.

Para sa mga Pilipino sa Italya, ang magkakasama sa iisang bahay ay maaaring isang pamilya, o magkakamag-anak, o mga housemates kasama ang mga nagdeday-off.

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pinakamalaking christmas tree Ako Ay Pilipino

Pinakamalaking Christmas Tree sa buong mundo, matatagpuan dito sa Italya

Multa mula € 400 hanggang € 1000 sa mga lalabag sa DPCM ng Dec 3