in

Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan, ayon sa huling DPCM?

Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino
Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan?

Sa pagpapatupad ng huling DPCM hanggang December 3, ay nagpalabas din ng paglilinaw ukol sa regulasyon para sa mga sasakyang pribado upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. 

Narito ang mga dapat sundin sa tuwing sasakay sa pribadong sasakyan o sariling kotse. 

Una sa lahat ay dapat tandan na ang mga ‘conviventi’ o mga magkakasamang naninirahan sa iisang bahay ay maaaring sumakay ng magkakasama sa iisang sasakyan ng walang anumang problema. Walang limitasyon sa bilang ng sakay, o maaaring 4 hanggang 5 katao batay sa laki sa sasakyan.

Samantala, kung hindi ‘conviventi’ o hindi magkasamang naninirahan sa iisang bahay ang isasakay ay kailangang sundin ang mga sumusunod:

  1. Kailangang magsuot ng mask sa buong biyahe.
  2. Kailangang panatilihin ang social distance. Dalawa lamang ang dapat na sakay sa likod ng driver (kung ang sasakyan ay para sa apat o lima katao) at uupo sa dalawang magkabilang dulo ng kotse. Ang pwesto sa gitna ay dapat walang nakaupo. 
  3. Ang driver naman ay walang dapat katabi. 
  4. Kung ang sasakyan ay 6 seater o higit pa, ay ipatutupad ang parehong regulasyon, o bawat hanay ng upuan ay dalawa katao lamang ang maaaring umupo sa magkabilang dulo ng sasakyan at ang driver ay wala dapat katabi. 

Ang sinumang hindi susunod sa pagsusuot ng mask sa loob ng sasakyan at obligadong magsuot nito ay maaaring multahan mula € 400 hanggang € 1000. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Nagmaneho ng walang lisensya, Pinoy namultahan sa Modena

ako-ay-pilipino

False declaration sa Autocertificazione, isang krimen