in

Ilang taon ang kinakailangan at paano ang mag-aplay ng citizenship by residency?

Magandang araw po, ako ay isang Pilipina at ako ay regular na naninirahan sa Italya maraming taon na. Maaari ba akong mag-aplay ng citizenship? Ano po ang tamang  pamamaraan?

Roma – Hunyo 10, 2015 – Ayon sa artikulo 9 ng Batas no. 91/92, ang Italian citizenship “ay maaaring ipagkaloob” (samakatwid, ang administrasyon ay may malawak na diskresyon) sa dayuhang mamamayan na naninirahan ng regular sa Italya matapos ang itinakdang bilang ng taon na nagbabago batay sa bansang pinagmulan.

Partikular, kung isasaalang-alang ang pinaka-pangkaraniwang kaso, ang mga Europeans ay kailangang residente (nakatala sa anagrafe) ng hindi bababa sa apat (4) na taon, ang mga non-EU nationals tulad ng mga Pilipino, ng hindi bababa sa sampang (10) taon at ang mga stateless ng hindi bababa sa limang (5) taon. Ang batas ng Italya ay nagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng dual citizenship, tulad sa Pilipinas, ngunit hindi ganito sa maraming bansa, kung kaya’t ipinapayo na pag-isipan muna dahil sa pagiging italyano ay awtomatikong nagtatanggal sa orihinal na citizenship.

Paano mag-aplay ng Italian citizenship by residency?

Simula May 18, 2015, ang mga aplikasyon ay maaaring isumite online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Sa form ay ilalakip ang mga scanned documents tulad ng personal identification tulad ng pasaporte, NBI clearance, birth certificate, resibo ng pinagbayaran ng 200 euros na kontribusyon at ang serial number ng e-stamp na 16 euros.
 
Ang ibang impormasyon, tulad ng sa kita ay maaaring gawan ng self-certification. Gayunpaman, ipinapayo na itago ang mga dokumento na maaaring hanapin sa gagawing pagsusuri pagkatapos. Mag-ingat sa mga ihahayag, na tama at hindi mali ang mga ito dahil sa mga mabigat na kaparusahan. Narito ang tagubilin sa tamang pag-aaplay online.
 
Panahon

Ang aplikasyon ay dapat ma-proseso sa loob ng 730 araw, o dalawang (2) taon, mula sa araw ng pagsusumite nito. Sa kasong tanggap ang aplikasyon, ang Prefecture ay magpapadala ng notipikasyon sa aplikante sa loob ng 90 araw mula sa pagtanggap ng decreto di cittadinanza buhat sa awtoridad.

Sa pagkakataong ang aplikante ay hawak na ang decreto ay kailangang magtungo sa munisipyo, s aloob ng 6 na buwan ng notipikasyon, upang agwin ang panunumpa ng katapatan sa Republika ng Italya tulad ng nasasaad sa artikulo 10 ng batas sa pagkamamamayan (L. 91/92). Makalipas ang panahong nabanggit, ang decreto ay hindi na balido at ang aplikante ay kailangang magsumite muli ng panibagong aplikasyon para sa citizenship at ihanda muli ang lahat ng dokumentasyon.

Maaaring malaman ang katayuan ng aplikasyon sa pamamagitan ng website ng Minsitry of Interior. Habang hindi mababasa ang the processing was concluded (istruttoria è stata conclusa), ang aplikasyon para sa citizenship è pino-proseso pa. Narito ang dapat gawin makalipas ang dalawang taon mula sa pag-aaplay.

 

Nais mo ba ng higit na impormasyon ukol sa italian citizenship? Bisitahin lamang Migreat.com, ang aming sister website, para sa inyong mga katanungan.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Donasyon para sa mga biktima ng lindol sa bansang Nepal

Mga parusa sa maling deklarasyon sa self-certification