Magandang araw po. Ako ay isang Pilipina. Ako po ba ay may karapatan sa 80 euros bonus na patuloy na pinag-uusapan sa mga araw na ito? Paano ko ito matatanggap?
Mayo 6, 2014 – Kahit anuman ang nasyonalidad, ang lahat ng mga lavoro dipendente o subordinate worker (sinumang regular at may angkop na sahod, sa ilalim ng isang konrata) na sa taong 2014 ay may gross income mula 8,001 hanggang 26,000 euros, ay makakatanggap ng kabawasan sa buwis tulad ng nasasaad sa D.L. n. 66/2014. Ang circular n. 8/E ng Agenzia delle Entrate ay nagpapaliwanag kung paano at kung magkano ang matatanggap na bonus.
Ang nabanggit na bonus ay simulang matatanggap mula sa buwan ng Mayo at ang mga dapat makatanggap nito ay walang request na gagawin dahil ang bonus ay awtomatikong kinikilala ng employer na tumatayo bilang sostituto d’imposta o withholding agent. Sa kasong ang employer ay hindi tumatayo bilang withholding agent (tulad ng mga pamilya na mayroong colf), ang worker ay maaaring hingin ang bonus sa lahat ng buwang ipinagtrabaho sa taong 2014 sa dichiarazione dei redditi ng taong 2015 na tumutukoy sa sinahod ng taong 2014.
Sino ang mga nakikinabang ng bonus?
Tulad ng nasasaad sa Circular, ang bonus ay nakalaan sa mga may gross income mula 8,001 hanggang 26,000 euros na subordinate worker at ilang kategorya na katulad nito. Ang yearly bonus ay katumbas ng halagang 640 euros para sa mga sahod mula sa 8,001 hanggang sa 24,000 at unti-unting bumababa hanggang sa maging 0 sa mga may sahod mula 24,0001 hanggang 26,000 gross income yearly.
Batay sa Testo Unico delle Imposte sui Redditi o Income Tax Act (artikulo 49, talata 1 at 50 talata 1 letra a, b, c, cbis, d, hbis, l) ay may karapatan sa bonus ang mga taxpayers na may kita o sahod na natanggap mula sa lavoro dipendente (kahit pansamantala, permanente o part-time) at ilang mga kategorya na katulad nito, tulad ng:
- Member-worker ng mga kooperatiba (produzione e lavoro; di servizi; agricole e di prima trasformazione dei prodotti agricoli; della piccola pesca)
- Mga tumatanggap ng sahod o bayad mula sa third party para sa isang lavoro dipendente
- Mga tumatanggap ng isang halaga buhat sa scholarship, premyo, financial support para makatapos sa pag-aaral o training
- Collaborators, coordinators (co.co.co)
- Mga pari
- Mga tumatanggap ng complementary pensions buhat sa obligatory public pension batay sa (D.Lgs. n. 124/93)
- Social workers
Nananatiling hindi kabilang ang ilang kategorya ng sahod na katulad ng dipendente tulad ng retirees, mga self-employed pati na rin ang mga ‘incapienti’.
Para sa anong panahon ng trabaho ang karapatan ko para sa bonus?
Ang bonus ay ibibigay ng proporsyon sa mga buwang ipinagtrabaho sa taong 2014. Sa katunayan, ang bonus ay nakalaan para sa mga workers na na-hire makalipas ang buwan ng Mayo o sa kasong magtapos ang trabaho (matanggal o mag-resign ang worker) bago matapos ang taon.
Halimbawa, kung ang isang worker ay nagtrabaho lamang sa unang 4 na buwan ng taon, at hindi incapiente sa pagkawala ng trabaho, ay mayroon pa ring karapatan sa bonus katumbas ng 4/12.
Paano kina-kalkula ang bonus?
Sahod mula 8,001 hanggang 24,000 gross income yearly
Ang mga nagtrabaho sa buong taon ng 2014 ay magkakaroon ng € 80 bonus kada buwan. Ang sinuman na na-hire sa taon ng 2014 ay magkakaroon ng mas mababang halaga ng bonus dahil kikilalanin lamang ang bonus para sa buwang ipinag-trabaho nito.
Halimbawa, kung na-hire sa buwan ng Pebrero 2014, at nagtrabaho hanggang Disyembre ng 2014 , ang monthly bonus ay katumbas ng halagang 73.33 euros, para sa mga buwang aktwal na nagtrabaho sa taong 2014 na 11 buwan lamang.
640/12 X 11 = 586.67 euros ng taunang bonus
586.67 euros / 8 buwan ( Mayo-Disyembre ) = € 73,33 ang buwanang bonus
Sahod mula sa 24,001 hanggang 26,000 gross income yearly
Kung ang kabuuang sahod ay higit sa 24,000 ngunit hindi lalampas sa 26,000, ang bonus ay ibibigay batay sa diperensya sa pagitan ng halagang 26,000 euros, bawas ang aktwal na halaga ng sahod at ng 2000 euros. Halimbawa, kung ang gross salary ay 25,000 euros:
€26,000 – €25,000 = 1000
€1000 / €2000 = 0,5
€640 X 0.5 = 320 euros para sa taunang bonus
€320 / 8 buwan (Mayo-Disyembre ) = € 40 buwanang bonus
Narito ang isang halimbawa ng talahanayan :
Yearly gross income Yearly Bonus
Mula sa 0 hanggang €8000 0
Mula €8001 hanggang €24,000 €640
€ 24,500 € 480
€ 25,000 € 320
€ 25,500 €160
Mula € 26,000 0
Kung mayroong higit sa isang trabaho sa isang taon o higit sa isang trabaho sa buong taon?
Sa Circular ay nilinaw ang bagay na ito. Gayunpaman, ay ipinapayong sabihin sa mga employers ang sahod pati ang bonus na matatanggap para sa taong 2014. Tandaan na kung nagtataglay ng gross income higit sa 26,000 euros, sa paggawa ng dichiarazione di redditi ay kailangang ibalik ang isang bahagi o ang kabuuang bonus na di dapat tanggapin.
Colf, caregivers at babysitters, makakatanggap ba ng bonus?
Kung regular na nagtatrabaho ay may karapatan sa bonus kung nabibilang sa bracket income na nasasaad. Ang pangunahing pagkakaiba para sa mga colf ay ang bonus ay ibibigay ng employer, o ng mga pamilyang pinaglilingkuran, ngunit ito ay matatanggap lamang sa dichiarazione dei redditi sa taong 2015, o sa pamamagitan ng 730 o Unico sa susunod na taon batay sa naging sahod para sa taong 2014.