in

Isa akong mag-aaral. Maaari ba akong magpatala sa Sistema Sanitario Nazionale?

Magandang umaga po, ako ay isang Pilipina at mayroon akong permit to stay para sa pag-aaral. Paano po ako magkakaroon ng health assistance?

Rome – Enero 25, 2013 – Sa Italya ang health assistance  ay natatanggap sa pamamagitan ng Sistema Sanitario Nazionale (SSN). Ang sinumang magpapatala, ay makakatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagbabayad ng ticket, o ng isang maliit na halaga na nag-iiba base sa ilang kundisyon at sahod ng mamamayan.

Ang mga mamamayan ng third countries na nasa Italya na mayroong permit to stay para sa pag-aaral ay hindi awtomatikong matatala sa SSN. Batay sa artikulo 34 ng d.lgs 286/98, sila ay dapat na mayroong polizza assicurativa o health insurance na balido sa buong bansa, sa pamamagitan ng isang local o international insurance company, na maaaring magbigay ng coverage sa anumang karamdaman, maternity at accident o injuries. Bilang alternatibo, ay maaaring magpatala ng boluntrayo sa SSN sa pamamagitan ng pagbabayd ng postal bill o F24 na ginawa ng Regione o Provincia autonoma kung saan residente o nakatira ang mamamayan.

Ipinapaalam, na ang pagpapatala ng boluntaryo ay tumutukoy sa isang taon mula Jan 1 hanggang Dec 31. Ito ay nangangahulugan na kung ang mamamayan ay dumating sa Italya upang magsimula ng school year ng Setyembre ay magiging balido lamang para sa ilang buwan o hanggang Disyembre lamang. Sa Enero, ay nararapat na magbayad ulit upang masiguro ang pagkakaroon ng health coverage hanggang sa ikalawa o susunod na taon. Bukod dito, ito ay hindi maaaring hatiin sa ilang payment, o magkaroon ng postdated validity, samakatwid, bawat pagbabayad ng buong halaga ay balido para sa isang buong taon.

Para sa mga mag-aaral na walang dependants (o carico) at walang anumang sahod (at iba ang sitwasyon kumpara sa mga scholars o buhat sa subsidy ng public Italian entities, ang halagang dapat bayaran para sa boluntaryong pagpapatala (iscrizione voluntaria9 ay € 149,77 sa isang taon. Para naman sa mga mag-aaral na mayroong dependants (o carico) na naninirahan sa Italya, ang halagang dapat bayaran ay base sa kalkulasyon ng sahod, at hindi maaaring bumaba ng €387,34.

Ang dayuhan na nakatala sa SSN ay kabilang sa listahan ng mga assisted ng ASL sa lugar kung saan naninirahan, gayun din ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Sa pagpapalit ng tirahan, ang dayuhan ay dapat na ipagbigay alam ito sa ASL, upang matanggap ang health assitence sa lugar kung saan maninirahan ang dayuhan at ang kanyang pamilya.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Miraglia “Codice fiscale dapat ibigay sa lahat”

Geraci (Simm): “Ang susi ay inclusion”