Gusto kong malaman kung ano dapat gawin ng isang domestic worker na hindi kapisan sa employer o hindi naka live in. May karapatan ba syang sumahod?
Ayon sa mga alituntunin ng mga domestic worker ay dapat na abisuhan agad ng kanyang pagliban ang trabaho at, kung may sakit, dapat na ipadala sa employer ang isang medical certificate (ito ay para sa mga hindi naka live in lamang sa employer).
Ang employer ay kinakailangang bayaran ang kalahati ng suweldo na napagkasunduan sa unang tatlong araw at ang buong suweldo para sa mga susunod na araw, hanggang sa maximum ng:
– 8 araw, para sa mga nasa serbisyo na ng hanggang anim na buwan;
– 10 araw, ang haba mula sa anim na buwan hanggang dalawang taon;
– 15 araw para sa higit sa dalawang taon na serbisyo.
Kung ang sakit ng worker ay magtatagal ng higit sa nararapat, ang employer ay hindi obligadong bayaran ang suweldo pati mga kontribusyon sa INPS.
Sa mga kasong ganito, ang manggagawa ay may karapatan na manatili sa kanyang trabaho depende sa panahon ng haba ng karanasan sa pamilyang pinaglilingkuran.
– Hanggang sa anim na buwan ng 10 araw
– Hanggang dalawang taong serbisyo 45 araw
– Higit sa dalawang taon 180 araw
Matapos ang pagpapanatili sa pagtatrabaho, kung ang worker ay hindi babalik sa serbisyo, nasa employer ang desisyon kung magpapatuloy sa trabaho o paaalisin ang worker.
Malinaw, ganun pa man, na ang mga domestic worker ay may karapatan na makatanggap ng mga benepisyo na naipon sa tagal ng serbisyo, tulad ng separation pay, permiso at bakasyon na hindi nagamit at pati ang 13th month pay.
Babala: Mahalaga ang komunikasyon sa pagliban sa trabaho o ng pagkakasakit. Sa katunayan, ang mga pagliban na hindi makatwiran na lalampas ng limang araw,
na walang sapat na kadahilanan ay itinuturing na sanhi ng pagsesante.
Sa ikaanim na araw ng unexcused na pagliban, ang employer ay maaaring ipagbigay alam ang pagtigil ng trabaho sa INPS.