in

ISEE Corrente 2024, bakit ito mahalaga? 

ISEE Ako Ay Pilipino

Ang ISEE Corrente ay ginagawa kung nagkaroon ng hindi magandang pagbabago sa kalagayan sa trabaho o sa kalagayang pinansyal kumpara sa nakalipas na dalawang taon na batayan ng regular ISEE. Samakatwid, ang ISEE Corrente ay mahalaga dahil ito ay nagpapahintulot mai-update ang regular ISEE. 

Upang magawa ang ISEE Corrente, dapat suriin ang mga sumusunod:

  • Pagbabago sa self-employment o employed work (o sa mga benepisyo tulad ng welfare, social security o indemnity benefits, kahit pa wala itong IRPEF),
  • Pagbabago sa kabuuang kita ng pamilya na higit sa 25%,
  • Pagbaba ng movable o ng real estate assets ng pamilya (tulad ng savings account, bahay, atbp.) ng higit sa 20%, mula sa kabuuang pag-aari noong Disyembre 31 ng nakaraang taon at sa halaga na nakalagay sa regular na ISEE (2 taon na ang nakakaraan).

Kaya maaaring makuha ang ISEE Corrente kung nawalan ng trabaho at/o nawalan ng kita o kaya’y nabawasan ng ari-arian. Sa kasong nabawasan ng trabaho at nawalan ng mga properties o assets, maaaring isama ang parehong nabanggit sa ISEE Corrente na nagpapakita ng negatibong pagbabago kumpara sa nakalagay sa regular na DSU (ISEE ordinario) two years ago. 

ISEE Corrente, kailan dapat gawin?

Sa kasong nawalan ng trabaho at/o kita, ang ISEE Corrente ay maaaring i-submit mula January 1 ng bawat taon, pagkatapos gawin ang regular na DSU, at may bisa ito ng anim na buwan mula sa petsang pirmahan ito. Kung sa pagkakaroon ng balidong ISEE Corrente, at ang isang miyembro ay makatagpo ng bagong trabaho at/o makatanggap muli ng bagong mga benepisyo (na hindi kasama sa kabuuang kita sa IRPEF), kinakailangan mag-submit ulit ng bagong ISEE Corrente sa loob ng dalawang buwan mula sa simula ng pagbabago.
Samantala, sa pagkawala naman ng mga properties o assets, maaaring mag-submit ng ISEE Corrente mula April 1 ng bawat taon at may bisa ito hanggang December 31 ng taon ng submission. Kung ang ISEE Corrente ay dahil sa pagkawala ng trabaho at/o kita at pagkawala ng properties, maaari itong i-submit mula April 1 at ito ay balido hanggang December 31.

Ang mga requiremenst para sa ISEE Corrente:

  • Regular ISEE
  • Sertipikasyon na nagpapatunay ng pagbabago sa trabaho (tulad ng lettera di licenziamento,  chiusura partita IVA o pagbabago sa tinatanggap na benepisyo (komunikasyon na may petsa at uri ng pagbabago)
  • Patunay ng kinita sa nakalipas na 12 buwan bago ang submission ng ISEE Corrente (buste paga, certificazione lavoro automono) kasama ang mga benepisyong natanggap (hal. Bonus na natanggap, Reddito di Cittadinanza, Assegni Familiari, atbp.)
  • Para sa pagkawala ng properties at assets, kailangan ang dokumentasyon ng mga properties  na may petsa ng Decembre 31 ng nakaraang taon, at para sa mga savings account, ay kailangan ang dokumentasyon ng saldo at giacenza media

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Run Rome The Marathon, ang paghahanda ng Filipino Community sa Roma 

New Highway Code sa Italya: Narito ang mga dapat malaman