Makikita ang ISEE, DSU declaration, at ISEE certification sa website ng Inps. Ang ISEE ay ang certified statement mula sa Agenzia delle Entrate at Inps, upang patunayan ang economic condition ng pamilya. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng mababang ISEE ay nagbibigay-daan sa iba’t ibang mga pribilehiyo mula sa gobyerno ng Italya.
Basahin din:
Saan sa website ng INPS makikita ang ISEE?
Upang makita ang ISEE sa website ng INPS, o upang malaman kung ito ay naipadala nang maayos mula sa CAF, ay kailangan ang pagkakaroon ng SPID, CIE o ang carta nazionale dei servizi.
Pagkatapos, mag-log in sa website at magpunta sa servizi online ng INPS: Portale Unico ISEE at sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- I-click sa ‘access‘ at ilagay ang credentials.
- I-click sa menu bar ang Dichiarazione ISEE at pagkatapos i-click ang ‘Dichiarazione e storico’ (sa Consultazione e gestione).
- I-click sa cerca. Pagkatapos ay sa Codice Fiscale.
Pagkatapos ay makikita ang pinakahuling Dichiarazione ISEE, Attestazione ISEE e ang ricevuta di presentazione.
Paano malalaman kung awtomatiko itong naipadala para sa bonus bollette 2024?
Sa Portale Unico ISEE, maaaring malaman kung nagpadala ng ISEE ang INPS sa Arera, (Italian Regulatory Authority for Energy, Networks and Environment), ang nagpapatupad sa regulasyon at nangangasiwa sa kuryente, natural gas, water services, waste cycle at district heating sa bansa.
Ito ay upang magkaroon ng awtomatikong access sa bonus bollette ang mga qualified para sa kasalukuyang taon.
Kailangan lamang i-click sa menu sa altri strumenti at Lista DSU na naipadala para sa bonus sociale.
Sa bandang ibaba makikita ang listahan ng mga DSU na naipadala sa Arera.