in

Italian citizenship by residency, anu-ano ang mga kailangang dokumento?

Anu-ano ang mga dokumento na dapat ilakip sa aplikasyon ng italian citizenship by residency? 

Ang mga mamamayang dayuhan ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa Italian citizenship makalipas ang itinakdang taon ng pagiging regular na residente batay sa artikulo 9 ng Batas sa Pagkamamamaya (4 na taon para sa Europeans at 10 taon para sa mga non Europeans) at kung nagtataglay ng minimum required salary sa naunang tatlong taon sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon.

Bukod sa pagkakaroon ng balidong tax code, permit to stay, pasaporte at carta d’identità, ay kailangang ihanda rin ang mga dokumentasyon buhat sa sariling bansa.

BIRTH CERTIFICATE: Maliban na lamang kung ipinanganak at rehistrado sa Italya, ang aplikante ay kailangang mayroong birth certificate (original at certified copy) buhat sa Pilipinas, kung saan nasasaad ang lahat ng pagkakakilanlan, pati ng mga magulang. Hindi mahalaga ang petsa kung kailan ini-release ang dokumento ngunit mahalaga na legalized ito ay mayroon ring translation na legalized din.

Sa kasong ang aplikante ay isang babae at ginagamit ang surname ng napangasawa na hindi nasasaad sa birth certificate ay kakailangan rin ang original at certified copy ng marriage certificate, legalized at may translation na legalized din at/o ang Certification buhat sa Embahada ukol sa magkaibang apelyido.

POLICE CLEARANCE: Ang aplikante ay dapat magsumite ng Police o NBI Clearance buhat sa Pilipinas, legalized, may translation na legalized rin. Ito ay balido lamang ng anim na buwan mula ng inisyu ito. Makalipas ang panahong nabanggit ay kakailanganing muli ang panibagong mga dokumento at gawin ang buong proseso ng legalization nito pati na rin ang translation at legalization ng translated documents.

Kung ang aplikante ay residente ng tuluy-tuloy sa Italya mula sa pagsapit ng ika-14 na taong gulang ay hindi kailangang magsumite ng dokumentong ito.

Simula noong nakaraang Mayo, ang aplikasyon ay isinusumite online. Kailangang wastong masagutan ang lahat ng datos na hinihingi sa form, kabilang ang sahod, ang numero ng revenue stamp o marca da bollo ng € 16.00. Bago ipadala ang aplikasyon, ay kailangang ilakip sa aplikasyon ang scanned copy (pdf, jpeg o TIFF file) ng mga sumusunod na dokumento:

• Balidong identity card (carta d’identita, passport, permit to stay sa iisang file.

• Birth certificate at legalization nito kasama ang mga timbro pati legalized translation sa iisang file.

• Resibo ng pinagbayarang € 250 para sa aplikasyon ng citizenship .

Pagkatapos ay tatawagin ng Prefecture ang aplikante sa kanilang tanggapan upang dalhin ang mga orihinal na dokumentasyon na inilakip sa aplikasyon pati ang revenue stamp ng inilagay na numero sa aplikasyon.

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Estado ng renewal ng permit to stay, paano malalaman?

€200,00 isa sa mga requirements sa Italian Citizenship