Ako ay isang Filipina nakatira sa Italya sa maraming taon na. Ang aking anak na lalaki ay 16 na taong gulang sa kasalukuyan at ipinanganak dito sa Italya, maaari ba syang mag-aplay para sa citizenship?
Ayon sa batas ng Italya, ang mga ipinanganak sa bansa ng dayuhang magulang ay hindi awtomatikong nagiging Italian citizen sa halip ay gamit pa rin ang citizenship ng kanyang mga magulang.
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga non-EU nationals na ipinanganak sa Italya at regular na residente ay maaaring mag-aplay ng Italian citizenship, sa pamamagitan ng registrar office, sa loob ng isang taon matapos ang pagsapit ng18 taong gulang.
Ang request samakatwid ay maaaring gawin, sa pagitan ng 18 at 19 na taong gulang.
Ang Citizenship sa ganitong kaso ay ibinibigay ayon sa batas at samakatuwid ay maaaring maging mamamayang Italyano sa isang simpleng deklarasyon ng paghahangad na makamit ang citizenship sa tanggapan ng registrar bago sumapit ang ika-19 na taon ng edad.
Ang panahon ng regular na paninirahan ay dapat na patunayan mula sa kapanganakan sa Italya sa pamamagitan ng isang sertipiko ng rehistrasyon (certificato storico di iscrizione) mula sa Registrar (anagrafe) at ng permit to stay.
Kadalasan ang nangyayari, ang mga magulang ay hindi nare-rehistro ang mga anak na ipinanganak sa Italya o naantala ang pagpapalagay ng pangalan ng anak sa permit to stay. Samakatuwid, ang kinakailangang tuloy-tuloy at regular na paninirahan sa bansa mula sa kapanganakan hanggang sa pagsapit sa edad ng mayorya, ay maaaring magtanggal ng karapatan upang isumite ang application para sa citizenship.
Gayunpaman, sa mga ganitong kaso, ang Ministry of Interior, upang padaliin ang mga application para sa citizenship sa pamamagitan ng isang Circular, ay inanyayahan ang mga opisyal ng tanggapan ng Civil status upang suriin ang requirement ng 18 taong tuloy-tuloy na residency. At ipinahayag na, sa kasong hindi tuloy-tuloy ang residency o sa pagkaantala ng pagpaparehistro ng kapanganakan ay dapat suriin ang mga katibayan ng pananatili sa bansa, maging mga medical certificate (hal mga sertipiko ng pagbabakuna, o serbisyong pangkalusugan), sertipiko mula sa paaralan o iba pang doukumentasyon.
Ang request na magkaroon ng Italian citizenship ay dapat na isinumite sa Civil Status ng Comune na sumasakop sa tirahan.
Ang mga dokumento na dapat isinumite ay mga sumusunod:
1. Balidong pasaporte;
2. Permit to stay: sa kaso ng hindi tuloy-tuloy na paninirahan sa bansa, ang aplikante ay maaaring magsumite ng mga papeles na nagpapakita ng pananatili sa Italya, (hal., school certificate, medical certificate at iba pa);
3. buong kopya ng dokumento ng kapanganakan (atto di nascita) ng aplikante;
4. Sertipiko ng pinanirahan (certificato storico di residenza).
Sa kaso ng late registration ng kapanganakan ay dapat magsumite rin ng mga papeles na nagpapakita ng pananatili ng mga bata sa Italya bago ang registration (hal medical certificate).
5. Resibo ng pinagbayarang kontribusyon ng € 200 sa account number 809020 na naka-pangalan sa sa Ministry of Interior.
Sa pagtatapos ng pamamaraan, ang tanggapan ay magpapadala ng komunikasyon sa aplikante . Ang tanggapan ng Civil status, sa sandaling matapos ang mga pagsusuri ng mga requirements, ay irerehistro ang bagong mamamayan bago ang panunumpa ng katapatan sa Republika ng Italya.