Ako ay isang Pilipino at residente sa Italya ng matagal ng panahon at nais kong mag-aplay ng citizenship through residency. Batid ko ang kasalukuyang batas ukol sa ‘semplification’ ng Public Administration, anu-ano po ang mga dokumento ang dapat kong isumite?
Abril 16, 2013 – Ang pag-aaplay ng citizenship through residency sa Italya ay batay sa artikulo 9 ng Batas sa Citizenship bilang 91/92. Ang batas na nabanggit ang nagtatalaga na ang citizenship ay maaaring ipagkaloob sa dayuhan, at tumutukoy sa proseso na naglalarawan ng malawak na pagpapapasya, kumpara sa naturalization sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib sa isang mamamayang italyano. Maaring isumite ang aplikasyon makalipas ang itinakdang panahon ng pagkakatala bilang residente sa bansa (o matapos ang makapag-parehistro sa registry ng Munisipo) na nag-iiba batay sa citizenship ng dayuhan: para sa mga EU nationals, 4 na taon; para sa mga stateless, 5 taon at para sa mga non-EU nationals, 10 taon. Kailangang isaalang-alang na ang ilang bansa ay hindi pinapayagan ang dual citizenship. Kung kaya’t ipinapaalala na alamin sa Embahada o Konsulado kung ang pagkilala sa Italian citizenship ay di magtatanggal sa tunay at orihinal na citizenship ng aplikante.
Ang aplikasyon ay dapat na isumite sa kinasasakupang Prefecture sa pamamagitan ng pagsagot sa form B lakip ang mga kinakailangang dokumento, orihinal at mga kopya nito.
– Aplikasyon, may kumpletong sagot at nagtataglay ng pirma at stamp na nagkakahalaga ng € 14.62.
– Kumpletong legalized birth certificate taglay ang legalized translation nito.
– Legalized NBI clearance, taglay ang legalized translation nito
– Para sa mga colf, ang Estratto Retributivo INPS
– Kaukulang kopya ng sertipiko bilang refugee o stateless, gayun din ang orihinal na dokumento.
– Balidong pasaporte at kopya nito
– Orihinal na Permit to stay at kopya nito
– Kopya ng resibo ng pinagbayaran ng € 200 (halimbawa)
Batay sa Decreto Legge n. 5/2012 ng Simplification and Development, ang mga dokumento tulad ng casellario giudiziario, carichi pendenti, certificato di residenza, stato di famiglia, CUD, 730 o Modello Unico ay maaaring gawan ng self certification sa pamamagitan ng angkop na form batay sa Batas Pambansa 445/2000 dahil ang Prefecture ay maaaring suriin ang katotohanan ng mga inihayag na impormasyon sa pamamagitan ng internal procedures sa pagitan ng mga tanggapan tulad ng Ministry of Justice, Munisipyo at Internal Revenue. Paalala, ang pagbibigay ng mali, peke o kulang na deklarasyon ay pinapatawan ng parusa.
Ang panahon ng proseso ng aplikasyon ay 730 days, o 2 taon matapos tanggapin ng tanggapan ang aplikasyon. Sa kasong positibo, ang Prefecture ay nagpapadala ng komunikasyon sa aplikante sa loob ng 90 araw mula sa panahong tinanggap ng awtoridad ang dekreto ng citizenship. Sa pagkakataong hawak na ng aplikante ang dekreto ay kailangang magtungo sa Munisipyo sa loob ng 6 na buwan upang gawin ang panunumpa ng pagiging tapat sa Republika tulad ng nasasaad sa artikulo 10 ng Batas sa Pagkamamamayan (L. 91/1992). Makalipas ang panahong nabanggit, ang dekreto ay mawawalan ng bisa at ang aplikante ay kailangang muling magsumite ng aplikasyon para sa citizenship at muling magsumite ng lahat ng dokumentasyon.
Maaaring kontrolin ang status ng aplikasyon sa pamamagitan ng itinalagang pahina ukol sa tema ng Ministry of Interior, sa pamamagitan ng pagre-rehistro sa protocol K10 na ipinadala ng Prefecture sa aplikante matapos isumite ang aplikasyon. Habang hindi lumalabas ang l'istruttoria è stata conclusa ay nangangahulugang ang aplikasyon ay pinoproseso pa rin (in trattazione). Ang aplikasyon sa citizenship for residency ay mayroong dalawang prosesong pinag-dadaanan na kasalukuyang hindi nakikita sa website ng Ministry of Interior. Sa unang hakbang ng proseso, ang Prefecture ay sinusuri kung ang dokumentasyong isinumite ay wasto at tumpak ang mga detalye, na magbibigay ng opinyon ukol sa aplikasyon. Pagkatapos, ang aplikasyon ay ipapasa sa Ministry of Interior na magbibigay ng ikalawang opinyon. Ang dalawang opinyon ay maaaring hindi maging pareho. Ang Prefecture ay hindi maaaring magpatuloy sa kawalan ng opinyon buhat sa Ministry. Ngunti dahil hindi maaaring masuri ng aplikante ang status ng aplikasyon (kung nasa Ministry o nasa Prefecture) ay maaaring hingin sa Prefecture ang mga impormasyon ukol sa kalagayan o status nito.
Kung nakalipas na ang dalawang taon?
Sa pamamagitan ng Circular 6415/2011 ng Ministry of Interior ay kinumpirma na ang kaukulang pagkakaantala ng Prefecture sa paglalapat ng anumang hakbang sa pagtanggap o pagtanggi sa aplikasyon, makalipas ang 730 days para sa pagproseso nito, ay hindi nangangahulugan na ang aplikasyon ay tanggap o tinanggihan. Sa ganitong pagkakataon ay maaaring hingin sa hukom (Tribunale) ang obligahan ang Public Administration na maglapat ng kaukulang hakbang ng pagtanggap o pagtanggi sa nasabing aplikasyon. Maaari rin, batay sa b. 241/90 ng batas sa administrasyon at sa karapatan sa mga administrative documents, sa loob ng 1 taon, makalipas ang 2 taon ng kawalan ng kasagutan, ay maaaring magpadala ng isang formal legal notice o lettera di diffida sa Public administration upang hingin ang kinakailangang aksyon. Ang prosesong ito ay hindi nangangailangan ng paglapit sa abogado bagkus ay obligado lamang ang abugado kung sakaling sa Tribunale magtutungo.