in

Italian language exam, uulitin ba ng mga may permesso lungo soggiornanti sa pag-aaplay ng italian citizenship? 

Ang Decreto Salvini o Decreto legge 2 ottobre 2018 bilang 113, na isinabatas ng may mga susog sa artikulo 1 talata 1 ng batas Dec 1, 2018 bilang 132, “Modifiche in material di cittadinanza” ay naging sanhi ng mga pagbabago at karagdagang puntos sa Batas n. 91 ng 1992 o batas sa citizenship.

Sa katunayan, sa pagsasabatas ng nasabing dekreto ay inoobliga ang pagkakaroon ng angkop na kaalaman sa wikang italyano sa pagsusumite ng aplikasyon batay sa artikulo 5 at 9 ng batas bilang 91 ng 1992 simula Dec 4, 2018.

Sa pamamagitan ng isang Circular ng Ministry of Interior ng January 25, 2019 num. 6204 ay binigyang linaw ng Viminale ang mga bagong requirement.

Ayon dito, upang mapatunayan ang kaalaman sa wikang italyano, partikular ang level B1 ng QCER – ay kailangang patunayan ng aplikante ang pagkakaroon ng certificate o anumang patunay ng kaalaman mula sa public o private institution kahit sa labas ng Italya na kinikilala ng Ministry of Education (MIUR) at ng Ministry of Foreign Affairs.

Bukod dito, ayon sa paglilinaw ng Circular, ang aplikante ay maaari ring magsumite ng sertipiko sa antas na nabanggit mula sa 1 sa 4 na accredited institution: 1)  Ministry tulad ng Università per Stranieri di Perugia, 2) Università per Stranieri di Siena, 3) Università Roma Tre at 4) Società Dante Alighieri at ang mga national at international institutions na kinilala at makikita sa website na inilathala ng apat na nabanggit.

Ang sertipiko na ire-release ng public institution ay kailangang lakipan din ng self certification ukol sa pagkakaroon nito kung saan nasusulat din ang detalye ng ‘atto’. Samantala, kung galing naman sa pribado o accredited istitution ay kakailanganin naman ang authenticated copy ng sertipiko.

Gayunpaman,  ayon pa rin sa paglilinaw ng Viminale, ay exepmted sa pagsusumite ng anumang sertipiko ang mga dayuhang pumirma sa accordo di integrazione o integration agreement at ang mga EC long term residence permit holders at kailangan lamang, sa pagsusumite ng aplikasyon, ang mga detalye sa pagpirma integration agreement tulad ng petsa at ang balidong EC long term residence permit o dating carta di soggiorno dahil ang batas ay kinikilala na ang kaalamang ito sa wikang italyano.

Bilang tugon sa katanungan ay hindi na kakailanganin pa ang mag-exam ulit para magkaroon ng sertipiko na may B1 level sa italian language at sapat na ang pagkakaroon ng EC long term residence permit.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Ako ay nag-aplay ng italian citizenship higit 2 taon na ang nakakaraan. Apektado po ba ang aking aplikasyon ng bagong batas?

600,000 clandestines na nasa Italya, pangunahing problema sa ngayon – Berlusconi