Magandang araw po! Pumirma ako ng integration agreement sa Prefecture noong ako ay dumating ng Italya. Nais kong itanong kung ang test na dapat kong gawin ay para sa integration agreement ay magagamit ko din sa paga-aplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno?
Nobyembre 13, 2014 – Sa circular n. 5923/14 ng Ministry of Interior, nilinaw ng awtoridad na ang italian test na kinakailangan sa pagsusuri ng pinirmahang integration agreement ay hindi balido sa paga-aplay ng carta di soggiorno.
Ang magkaibang layunin sa pagsasailalim ng test at ang magkaibang nilalaman nito ay ang dahilan kung bakit hindi ito balido sa parehong aplikasyon.
Sa katunayan, ang test para sa merit/demerit point system ng integration agreement ay naglalayong masuri ang kaalaman ng dayuhan hindi lamang ng wikang italyano bagkus pati na rin sa Sibika at Kultura na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Para a permesso a punti, ang mapatunayan ang sapat na kaalaman sa Sibika at Kultura, ay nangangahulugan na maaaring maabot ang antas na “A2” sa wikang italyano sa pamamagitan ng pasalitang wika o oral lamang.
Samantala, upang matugunan ang kaalaman sa wikang italyano para sa EC long term residence permit, ang antas na “A2” ay kinakailangang pasalita at pasulat na wika o oral at written.
Samakatwid, nangangahulugan na ang dayuhang sumailalim sa italian test para sa integration agreement at sa hinaharap, ay nanaisin ang mag-aplay ng EC long term residence permit ay kinakailangang sumailalim ulit sa italian language test para sa nabanggit na dokumento, maliban na lamang kung nagtataglay ng isang sertipiko na nagpapatunay ng kaalaman sa wikang italyano ay hindi bababa sa antas na A2, buhat sa ahensiyang kinikilala ng Ministry of Education.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]