in

Kailan matatanggap ang Cassa Integrazione?

Ito ang tanong na maraming mga manggagawa sa Italya na sa simula ng emergency state noong buwan ng Marso ay napilitang tumigil sa trabaho at manatili sa kani-kanilang tahanan ng higit sa dalawang buwan bilang pagsunod sa pagpapatupad ng lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng covid19 sa buong bansa. 

Ang Cassa Integrazione in Deroga ay isang tulong pinansyal na nasasaad sa DL 18/2020, ang Cura Italia upang harapin ang emerhensyang hatid ng Covid19. Ito ay nakalaang ibigay ng gobyerno sa mga manggagawa at mga empleyadong pansamantalang nahinto sa pagta-trabaho o nabawasan ang oras ng trabaho, sa loob ng siyam (9) na linggo hanggang Agosto 31, 2020. Ang mga manggagawa at empleyado na nasa Cassa Integrazione in deroga ay tatanggap ng 80% ng halaga ng buwanang sahod, matapos i-aplay ng employer at ito ay inasahang matatanggap sana simula noong April 15, 2020. 

Matapos ang dalawang buwang paghihintay ay 95% ng mga empleyado ang hindi pa rin nakakatanggap ng ayudang nabanggit. 

Isang posibleng pagbabago sa sitwasyon ang aasahan ng marami, dahil sa inaprubahang Decreto Rilancio. Bukod sa magpapalawig sa Cassa Integrazione, ito ay inaasahang magpapadali rin sa teknikal na proseso nito. 

Sa Decreto Rilancio ay nagsasaad ng extension ng Cassa Integrazione ng karagdagang siyam (9) na linggo hanggang October 31, 2020 at ito ay may pahintulot mula sa Inps . 

Ang pagbabagong ito ay mahalaga dahil ang nasabing tanggapan ang magbabantay sa limitasyon ng budget ng Ministry of Labor at sa paraang ito ay magiging mas mabilis at direkta ang pagbibigay ng Cassa Integrazione sa mga manggagawa at mga empleyado.

Ayon kay Pasquale Tridico, ang presidente ng Inps, ang Cassa Integrazione umano ay hindi delayed o naantala, bagkus ito ay may proseso

Aniya ang Decreto Rilancio ay magpapabilis umano sa bagong proseso nito at ang Inps ay ibibigay, sa loob ng 30 araw, ang isang anticipo o advance payment nito katumbas ng 40% ng oras na inaplay. Tatlumpung araw mula sa paglalathala ng dekreto sa Official Gazette “dahil kakailanganin ang sapat na panahon para sa sistema nito, ang mga susunod ay ibibigay ng mas maaga sa 30 araw”, aniya.

Upang mapabilis ang mga aplikasyon, nasasad sa dekreto na ang mga kumpanya na i-eextend ang panahon ng Cassa Integrazione ay hindi na kailangang gumawa ng bagong aplikasyon, at sapat na ang baguhin ang nauna”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga pagbabago sa pagkuha ng driver’s license sa panahon ng “fase 2”

Regularization: ang Sagot ng Eksperto