in

Kailan nawawalan ng bisa ang kasal?

Ang marriage o kasal ay HINDI nawawala ang bisa sa tagal ng paghihiwalay o tagal ng walang komunikasyon ng mag-asawa. Kahit 1 buwan na hiwalay o 100 years nang hiwalay o walang komunikasyon ang mag-asawa ay hindi automatic na nawawala ang bisa nito.

Dalawang sitwasyon lang ang nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal (1) in case of death o kamatayan ng asawa; (2) in case of 2nd marriage, by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse, ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse ng kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar.

Napapawalang bisa lamang ang marriage o kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng “annulment case” o “declaration of nullity of marriage” sa korte at pagkuha ng favorable decision ng korte base sa ground na naayon sa Family Code at sa ebidensiya na napresenta na-ayon sa Rules of Court.

Ang annulment ay pwedeng isampa sa korte kahit 1 month pa lang na hiwalay ang mag-asawa at pwede na itong umusad at i-process pagkasampa nito sa korte. Ito ay naiiba sa legal separation kung saan ay may 6 month cooling off period kung saan hindi uusad ang kaso during the said period para pagbigyan ang mag-asawa ng pagkakataon na mag-usap at magreconcile. Walang cooling off period sa annulment of marriage.

Paano ang proseso ng annulment para sa mga ofws na sa abroad kinasal?

Ang proseso sa annulment ng mga Filipino na kinasal sa ibang bansa ay pareho lang ng kinasal sa Pilipinas. They are both governed by the same Rules of Court of the Phils. at ng Family Code. (ni: Atty Marlon Valderama)

alt

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Kailangan ng bagong konsepto sa citizenship” – Fini

Prioridad ang mga Italians sa panahon ng krisis – Lega Nord