in

Kailangan bang palitan ang araw ng appointment sa Questura para sa permit to stay?

Ano ang dapat gawin sa sitwasyong kailangang agahan o ipagpaliban sa ibang petsa ang appointment sa Questura para sa permit to stay. 

 

Mayroong ilang sitwasyon kung saan ang mga imigrante ay kinakailangang ilipat ang araw ng petsa ng appointment sa Questura. Ngunit kailangan ding isaalang-alang ang sitwasyon ng administrasyon, sa kabilang parte, na malaki ang bahagi sa mga pagbabagong hinihingi. Partikular ang mababang bilang ng mga empleyado na sanhi ng mabagal na usad ng releasing at renewal ng mga permit to stay at magiging malaking epekto kung sakaling kailangang ilipat o agahan ang petsa ng appointment sa nabanggit na tanggapan. 

Alam ng imigrante ang kahalagahan ng petsa ng kanyang appointment sa Questura ngunit maaaring mangyari na ang parehong araw ay mahalagang petsa rin para sa naunang appointment nito. Isang sitwasyong hindi nanaisin ninuman ngunit isang sitwasyong maaaring mangyari kahit kanino.

Ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon?

Dapat tandaan na ang pagpalit ng petsa ng appointment para sa permit to stay ay pinahihintulutan lamang sa mga malalang dahilan at hindi inaasahang pagkakataon tulad ng karamdaman ng aplikante at kamatayan ng miyembro ng pamilya. 

Mainam na malinaw ito para sa lahat.

Ngunit mayroong ilang sitwasyon kung saan ang kahilingang palitan ang petsa ng appointment bagaman may kahirapan ay binibigyang pagkakataon. 

Magtungo at makipag-usap ng personal sa Ufficio Immigrazione ng Questura na kinasasakupan. Ito ang itinuturing na pinakamabisang payo kung saan maipapaliwanag ng imigrante ang dahilan kung bakit nais agahan o ipagpaliban sa ibang petsa ang appointment na maaaring sanhi ng isang medical check-up o job interview na naitalaga na bago pa man malaman ang petsa ng Questura. 

Ipinapayong sa pakikipag-usap sa tanggapan ay dalhin ang mahahalagang dokumentasyon tulad ng permit to stay, cedolino ng renewal, pasaporte at mga dokumentasyong inilakip sa ‘kit postale’. Ipinapayong huwag kalimutang mag-iwan ng telephone number o email address para sa anumang komunikasyon ng tanggapan. 

Ang Ufficio Immigrazione, gayunpaman, ay maaaring humingi ng karagdagang dokumentasyon para sa permit to stay. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Holidays sa Italya at Pilipinas, narito ang mga petsa

Bonus luce 2018