in

Kalusugan: Sino ang mayroong exemption sa pagbabayad ng ticket?

Ako ay isang Pilipino, legal na naninirahan sa Italya. Gusto ko lamang maintindihan kung kailan ticket lamang ang binabayaran sa mga medical check-up at medical analysis sa mga ospital o klinika.

Roma – Hulyo 27, 2012 – Sa Italya, upang makatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng ospital, publiko o pribado man (check up, analysis etc..) ay kailangang magbayad ng maliit na bahagi nito sa Regione, ang tinatawag na ticket, ang halaga nito ay nag-iiba base sa kinita sa isang taon at sa family composition.

Ang batas, gayunpaman, ay nagbibigay sa ilang mga kaso, batay sa pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan, personal at/o ng kita, ay mayroong karapatan sa exemption sa pagbabayad ng tiket. Ang mga EU at non EU-nationals na regular na naninirahan sa Italya, ay may parehong karapatan ukol sa exemption mula sa pagbabayad ng tiket.

Mayroong 4 na kategoriya ng mamamayan na exempted sa pagbabayad ng ticket dahil sa edad at sahod o kita, mga kategorya na base sa exemption code.

1) Ang mga mamamayan na mas bata sa 6 na taong gulang o higit sa 65 taong gulang, ngunit ang kita ng buong pamilya ay hindi lalampas sa € 36,151.98. Code E01

2) Ang mga mamamayang walang hanapbuhay o ang mga dependents nito at ang kinita ng pamilya ay hindi tataas sa € 8,263.31 (11,362.05 kung mayroong asawa at karagdagang 516.46 para sa bawat dependent children). Code E02

3) Ang mga tumatanggap ng welfare benefit (assegno sociale) at ang kanilang mga dependents. Code E03

4) Ang mga pensyonado na 60 taong gulang at ang kanilang dependant family members na mayroong kabuuang kita na mas mababa sa 8263.31 (11,362.05 kung mayroong asawa at isang karagdagang 516.46 para sa bawat dependent children). Code E04

Mayroong karapatan, bilang karagdagan, sa exemption ng tiket ang iba pang mga kaso na itinakda ng batas: partikular na mga benepisyo sa kaso ng pregnancies at risk o dahil mayroong malubhang sakit.

Ang pamamaraan
 

Bago ang mga susog kamakailan, ang mamamayan dala ang riseta ng duktor (impegnativa del medico) sa mga check-up ay ihahayag sa sandaling iyon, sa ilalim ng sariling responsabilidad, ang pagiging exempted sa pagbabayad ng ticket. Karaniwan, ay kinakailangang magtungo sa tanggapn ng Asl para sa isang exemptioncard.

Ngunit ang pamamaraan ay nagbago na: ang family doctor (o pediatrician), sa pamamagitan ng isang listahan na mayroong access sa internal program ng Sistema Tessera Sanitaria, at dito ay sumasangguni upang alamin kung ang pasyente ay may karapatan sa exemption at kung gayon, ay isusulat ito sa riseta. Kung ang pasyente ay wala sa listahan ngunit alam na nabibilang sa mga exempted, ay dapat magtungo sa tanggapan ng Asl na kinabibilangan at humingi ng certification na magpapatunay ng exemption, lakip ang fiscal code.

Ang obligasyong magtungo sa tanggapan ng Asl ay para sa mga nawalan ng trabaho na nagnanais tumanggap ng exemption.

Laging tandaan na ang Sistema Sanitario ay responsibilidad ng Regione at samakatwid ay ipinapayong magtungo sa tanggapan ng Asl na kinabibilangan dahil ang mga Regione ay maaaring magbigay ng mga pagbabago sa requirements at mga karagdagang dokumentasyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sisig recipe

Team Philippines, ika-146 na paparada