in

Kukuha ba ng OEC ngayong magbabakasyon sa Pilipinas? 

Buhat nang nagkaroon na ng kaluwagan sa pagbibiyahe sa labas ng bansang Italya, marami na sa mga Pilipino dito ang nagsipagplanong magbakasyon lalo at sila ay nasabik makaraan ang dalawang taong paghihigpit dulot ng lockdown sa panahon ng pandemya ng COVID 19.

Ang tanong: Maayos pa ba ang mga dokumento mo gaya ng pasaporto, permesso at iba pang rekisitos sa pagbibiyahe? Laging tanong, na-tsek mo ba ang mga ekspirasyon ng mga dokumento mo, baka ang pasaporto ay may ilang buwang bisa na lamang kaya kailangang ipa-renew muna bago umuwi. Baka naman ang permesso di soggiorno mo ay di pa nailalabas mula sa Questura at ang hawak mo lamang ay ang resibo?

Basahin din:

Isa pa sa karaniwang tanong ay: May OEC ka na ba? Nakakuha ka na ba nito sa Konsulato o sa Embahada? Ano na ba ang mga pagbabago sa pagkuha nito kung meron man, lalo at nagkaroon na tayo ng bagong departamento, ang Department of Migrant Workers na pinangungunahan na ni Secretary Susan Ople. 

Ang OEC o Overseas Employment Certificate, ay required lamang sa mga manggagagawang manggagaling sa bansang Italya na may permesso di soggiorno Lavoro subordinato/Attesa Occupazione.

Ito ay balido lamang sa loob ng animnapung araw (60). Sa pagtungo sa Konsulato o sa Embahada, kinakailangan na mayroong appuntamento.

Sa pagkuha ng appuntamento, kailangan ay nakarehistro ka muna. Narito kung paano.

  1. Mag- log in sa inyong POPS-BaM Account o ang POEA Online Processing System for Balik-Manggagawa Accunt.
  2. I-click ang Balik- Manggagawa link sa inyong Dashboard
  3. I-click ang ‘next’ button
  4. Ilagay ang petsa ng inyong pag-alis at i-click ang “Next” button
  5. Sagutan ang mga hinihinging detalye at i-click ang “Submit” button
  6. Pumili ng pinakamalapit na Processing location at i-click ang “Next” button
  7. Pumili ng araw at oras na gusto niyong appuntamento
  8. I-Print ang inyong appointment slip at ihanda ang mga kinakailangang dokumento gaya ng : 

                                   

  • pasaporto
  • permesso di soggiorno
  • proof of employment (Latest INPS Bolletino/Latest busta paga/Contratto di lavoro)

9. Magtungo sa Konsulato o Embahada sa araw ng inyong apuntamento. 

                Ang halagang ibabayad ay 2 euro lamang. 

Paano naman kung nais magparehistro sa pamamagitan ng POEA Online Processing System for Balik-Manggagawa (POPS-BaM). Narito ang simpleng pamamaraan:

  1. Gamit ang web browser ng inyong laptop o cellphone, pumunta sa https://onlineservices.dmw.gov.ph.  
  2. I-click ang ‘Let’s Go’ button ng e-Registration module.
  3.  I-click ang “Register” link
  4. I-click ang “ I Accept the Terms of Use” button.
  5. Sagutan ang “Registration Form” at i-click ang “Register” button.
  6. Ipapadala sa email address mo ang iyong panandaliang password at e-Registration number.
  7. Ulitin ang Step 1 at Step.
  8. Mag-log in gamit ang pananadaliang password na pinadala sa iyong email.
  9. Hihingan ka ng panibagong password, ilagay ang password na madali ninyong matandaan.
  10. Pumunta sa “Dashboard”. Mag-upload ng Profile picture at kopya ng passport.
  11. I-click ang “My Profile” at sagutin ang mga hinihinging impormasyon.

Paano kung ang kailangan namang kunin ay ang OEC Exemption?

Ito ay para lamang sa mga Balik-Manggagawa na may record na sa POEA Database at babalik sa parehong employer at jobsite. Kailangan pa rin na nakarehistro para makakuha ng Exemption.

  1. Pumunta  sa https://onlineservices.dmw.gov.ph.
  2. I-click ang “Let’s Go” Button at i-log in ang inyong account
  3. I-click ang Balik-Manggagawa link sa inyong Dashboard
  4. I-click ang “Next” button
  5. I-click ang “Yes” button kung babalik sa dating employer at jobsite.
  6. I-print ang inyong OEC Exemption.

Para sa mga iba pang katanungan, mag-email sa:

 polomilan1@gmail.com o tumawag sa hotline number 375 657 2333 (WhatsApp)

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang:https://services.polorome.com (ni: Dittz Centeno-De Jesus)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Renewal ng bonus €200, pagtatanggal ng IVA sa pagkain, isinusulong sa Decreto Aiuti bis

Bagong Pamunuan ng Confederation of Filipino Community in Tuscany Ipinakilala sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan 2022