in

Lettera d’invito per turismo, ano ito?

Ang regular na dayuhan na naninirahan sa Italya ay maaaring imbitahan para sa maikling panahon ang kamag-anak sa Italya sa pamamagitan ng isang deklarasyon na tinatawag na “lettera d’invito.

Ano ang dapat gawin ng isang dayuhan o isang Italian citizen na nais imbitahan ang miyembro ng pamilya o kamag-anak sa Italya?

May pagkakataong ang regular na dayuhan na naninirahan sa Italya o naturalized Italian citizen ay nais imbitahan ang kamag-anak o kaibigan sa kanilang tahanan upang maging panauhin at makasama ang mga ito sa maikling panahon.

Sa ganitong mga kaso, ang dayuhan o ang Italian citizen ay maaaring gumawa ng isang deklarasyon na tinatawag na “lettera di invito.

Ang lettera d’invito ay isang liham kung saan nagbibigay abiso sa awtoridad ng Italya ng pagnanais na imbitahan para sa maikling panahon ang kamag-anak o kaibigan mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng tourist visa.

At dahil ayon sa batas ng Italya, ang mga dayuhang pumapasok sa bansa bilang turista ay kailangang patunayan ang kanilang accomodation na maaaring pribadong tahanan at ito ay sa pamamagitan ng lettera di invito per turismo.

Dito ay nasasaad ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan ng nag-imbita para sa board and lodging ng panauhin at ang responsabilidad nito upang masigurado din ang muling pagbabalik sa sariling bansa ng kamag-anak o kaibigang inimibitahan sa Italya.

Ang lettera di invito ay kailangang ipadala sa dayuhang iniimbitahan at magdadala ng nasabing deklarasyon sa Italian Embassy, lakip ang mga requirements na hinihingi ng embahada, upang magkapag-aplay ng tourist visa.

Samantala, sa mga mamamayan mula sa bansang mayroong bilateral agreement sa Italya na exempted sa short stay entry visa ay hindi na kailangan pang i-prisinta sa Italian embassy ang lettera d’invito bagkus ay sa Immigration sa Italya na upang patunayan ang pagkakaroon ng accomodation.

Anu-ano ang nilalaman ng lettera d’invito?

  • Personal datas ng nag-invite;
  • Personal datas ng panauhin o ng iniimbitahan;
  • Address kung saan naninirahan ang nag-invite;
  • Ang panahon ang pagbisita ng panauhin;
  • Ang dahilan ng pagbisita.

Kakailanganin ang pagkakaroon ng health insurance o polizza sanitaria para sa anumang health expenses habang nasa Italya.

Bukod dito ay kakailanganin din ang polizza fidejussoria o fideiussione bancaria upang masigurado ang pagkakaroon ng sapat na economic resources sa panahon ng pananatili sa bansa.

Paalala: Ang lettera d’invito bago dalhin ng aplikante sa Italian Embassy ay kailangang ipa-authenticate muna sa Ufficio Anagrafe.

Matapos matanggap ang entry visa papuntang Italya ng panauhin, ang taong nag-invite ay kailangang gawin ang ‘Dichiarazione di Ospitalità’ at dapat isumite sa loob ng 48 oras sa pagdating ng panauhin sa Italya sa local police.

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 3.8]

Italya at Congo, pinirmahan ang kasunduan para sa gas supply  

Kaguluhan ng Overseas Voting sa Milan, nagpaliwanag ang Consul General