Nais ng aking employer na ipag-drive ko din sya. Maaari ko bang gamitin sa Italya ang aking driver’s license? Ano po ang dapat ko’ng gawin?
Ang Motorizzazione Civile sa Italya ay pinapahintulutan ang conversion ng Philippine driver’s license sa Italian driver’s license kung ito ay inisyu sa Filipino bago ang pagpapatala bilang residente sa Italya. Pinahihintulutan ang conversion sa loob ng isang taon ng residency at habang balido ang Philippine driver’s license.
Samakatwid, kung ang Philippine driver’s license ay natanggap matapos ang pagiging ganap na residente sa bansang Italya, ang Motorizazione ay hindi na pinapayagan ang conversion nito. Kailangang sundin ng aplikante ang procedures sa pamamagitan ng pagpapatala sa isang driving school (scuola guida) at sumailalim sa Italian driving examinations.
Ang mga requirements sa translation ng Philippine driver’s license
1. Original Driver’s License and Original Official Receipt (lakip ang mga kopya nito)
2. Current Philippine passport (origihinal at isang kopya)
3. Carta d’Identita o Certificato di Residenza (origihinal at isang kopya)
4. Permesso di Soggiorno (origihinal at isang kopya)
5. Application fee: 25 euros
Ang mga requirements sa conversion sa Italian driver’s license
1. Original Driver’s License
2. 2 ID pictures
3. Permesso di soggiorno e carta d’identità
4. Codice fiscale
5. Medical certificate na hindi lalampas ng anim na buwan
6. Translation at Certificate of Conversion
Maaaring i-aplay ang conversion sa Motorizzazione o sa pinakamalapit na driving school sa inyong tirahan.
Mayroong mga pagsusuring ginagawa ang Motorizzazione ukol sa panahon ng residency sa Italya. Tiyaking hindi pa lumilipas ang isang taon bago simulan ang proseso ng conversion nito.