in

Maaari bang isulat o banggitin ang pangalan ng taong positibo sa Covid19 sa private message o sa chat?

Ito ay tumutukoy sa public security at privacy”, partikular sa panahon ngayon na marami ang request na malaman ang mga pangalan at eksaktong lokasyon ng mga taong nahawahan ng covid19. Isang uri ng prebensyon umano upang maproteksyunan ang mga sarili at maiwasan ang mahawahan. 

Sa kabila ng mga rekomendasyon buhat sa awtoridad ukol sa privacy ay mayroong pa ring kapag kakilala ang nag-positibo ay ikinakalat ang pangalan nito sa pamamagitan ng chat o private message sa mga cellular phones. Sa ganitong paraan, ang pag-usapan ang maysakit ay naganap at nawala ang pagiging kompidensyal at privacy nito. 

Ito ba ay isang krimen? 

Narito ang isang halimbawa mula sa inilathala ng laleggepertuttti. Sa loob ng isang condominium, kung kakilala kung sino ang nag-positibo sa tampone, ay nasasaad na ang may obligasyon sa prebensyon sa pagkalat ng virus ay ang mga frontliners tulad ng duktor, nurse o health staff. Ang administrator ng nasabing condominimum ay hindi kabilang dito at samakatwid ay walang karapatang isawalat sa mga naninirahan sa condo ang pangalan ng nag-positibo. Ngunit may obligasyong abisuhan ang ibang nakatira sa condo ng presensya ng kaso sa loob nito nang hindi sasabihin ang pangalan o ang pamilya dahil dapat itong manatiling kumpidensyal. Subalit, nananatiling obligasyon ng administrator ang gawin ang kinakailangan sanification sa lugar at paalalahanan ang lahat na mag-ingat.

Ang mga impormasyon ukol sa kalusugan ay napaka sensitibo at ganito ito dapat proteksyunan ng batas sa privacy. Tulad ng nabanggit, ang awtoridad lamang ang may karapatan at obligasyon ukol dito at ito ay walang extension sa sinumang pribado. Ang institusyon lamang ang may kakayahang magdesisiyon na ipaalam at isawalat ang pangalan ng positibo sa covid19 sa ibang tao kung tumutukoy na ito sa public security. 

Ang sinumang lalabag sa pricay o sa pagpapanatiling kompidensiyal ng isang pasyente ay nanganganib ng penal crime. Ang akusasyon ng paglabag sa privacy at pagbanggit ng walang pahintulot ng dati sensibili ay maaaring patawan ng krimeng penal.

Ito ang dahilan kung bakit patuloy na hinihiling sa public authority na gumawa ng isang app na magmimistulang ‘compas’ na makakapagsabi sa lokasyon ng mga positibo sa virus. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

60 Lider ng iba’t ibang Organisasyon, sumulat sa DOLE at OWWA

Bonus Affitto, ang Public Announcement ng Regione Lazio