in

Maaari bang bayaran ng employer ang bakasyon ng colf at patuloy na magtrabaho?

Ang bakasyon ay nangangahulugan ng taunang panahon ng pamamahinga, malaya mula sa mga gawain o trabaho, na nagpapahintulot sa domestic worker na mapagtuunan ang libangan, ang sarili at ang pamilya at sa gayon ay mabawi ang pisikal at mental na enerhiya, para sa sarili at para din sa trabaho.

Sa artikulo 36 ng Konstitusyon ng Italya ay itinalaga ang mahalagang karapatan ng bawat worker sa isang minimum na panahon ng taunan at bayad na bakasyon.

Anuman ang kasunduan sa pagitan ng employer at worker, na naglalayong hadlangan ang pagtupad sa karapatan ng bakasyon, ay walang bisa.

Ang bakasyon ng mga colf at badante ay nasasaad sa Contratto Collettivo Nazionale per lavoro domestico, bilang pagtupad sa Pambansang batas ng Abril 8, 2003, blg. 66.

Kung ang domestic worker ay ayaw gamitin ang nakatakdang araw ng bakasyon o ferie, ay hindi maaaring pabayaran ito mula sa employer dahil ang karapatan sa pamamahinga at pagkakaroon ng bakasyon ay kinakailangan at nasasaad sa batas, kahit na minsan ang kahilingang bayaran na lamang ang bakasyon ay nagmumula mismo sa manggagawa. 

Ito ay nasasaad din sa renewed CCNL ng September 8, 2020, na simulang ipinatupad noong October 1, 2020. 

Mayroon lamang isang kaso kung saan posible na gawin ito: kung ang employment ay magtatapos na at ang employer ay kailangang bayaran sa worker ang halaga katumbas ng araw ng bakasyon na hindi magagamit ng worker (non goduti), tulad ng nasasaad sa artikulo 10, talata 2 ng D.lgs ng April 8, 2003 bilang 66. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Babala ng WHO: Europe, nanganganib magkaroon ng fourth wave!

AKO AY PILIPINO

Assegno Unico 2021, higit sa 45,000 aplikasyon sa unang araw