Magandang araw, dumating ako sa Italya bilang isang seasonal worker ng talong buwan. Nais ng aking employer na manatili ako ng apat na buwan. Maaari po ba ito?
Maaaring ipa-extend ang nulla osta at maaaring i-renew ang permit to stay for seasonal job kung ang parehong employer ay mag-o-offer ulit ng bagong seasonal job o kung ang job offer ay buhat sa ibang employer, batay sa talata 3bis artikulo 24 ng D.Lgs 286/98.
Mahalagang igalang ang siyam na buwang itinakdang limitasyon bilang pinakamahabang panahon para sa seasonal job, batay pa rin sa parehong batas. Ipinapaalala na kung ang dayuhan ay pinahintulutan ng mag-trabaho ng siyam na buwan sa unang nulla osta pa lamang o nag-trabaho na bilang seasonal worker ng 9 na buwan sa isang taon, ay hindi na possible pa ang extension ng authorization ng seasonal job.
Sa paghiling ng extension, ay hindi na kinakailangang bumalik sa Pilipinas ang Pinoy. Ang hawak na nulla osta na inisyu ng Sportello Unico per l’Immigrazione ng Prefettura, na nais i-extend sa pamamagitan ng komunikasyon ng UNILAV na gagawin ng employer bago ang magpatuloy sa employment ng worker.
Ang Unilav ay isang dokumento na naglalaman ng lahat ng datos ng employer at ng worker, kasama ang tirahan at ang kondisyon at tagal ng employment. Sa bahaging ito sa katunayan, nasasaad ang pagiging seasonal ng employment. Ang komunikasyon ng Unilav ay kailangang gawin sa loob ng 24 oras bago ang simula ng trabaho.
Matapos ang pagsasagawa ng komunikasyon ng UNILAV, ang dayuhan ay maaaring magpatuloy sa pag-aaplay ng renewal ng permit to stay for seasonal job. Sa kit ay dapat ilakip ang sumusunod:
• Kopya ng pasaporte o anumang travel document
• Kopya ng permit to stay
• Kopya ng Unilav para sa bagong seasonal employment
• Kopya ng dokumento ng legal representative ng kumpanya (employer)
• Documentation na nagpapatunay ng maatos na tirahan.
Sa pagtatapos ng bagong employment, ang dayuhan ay kailangang bumalik sa Pilipinas dahil hindi maaaring magkaroon ng seasonal job na higit sa 9 na buwan at dahil ang permit to stay for seasonal job ay hindi nagbibigay pahintulot sa ibang uri ng trabaho maliban na lamang kung nag-request ng conversion ng permit to stay.
Sa katunayan, maaaring magpatuloy sa conversion ng permit to stay sa unang pagpasok pa lamang sa Italya ng hindi kailangang bumalik sa sariling bansa. Kung ang dayuhan ay maha-hire dahil hindi na isang seasonal employment, ay maaaring magpatuloy sa conversion ng permit to stay sa subordinate job, anuman ang uri ng kontrata na ibinibigay, kung determinato o indeterminato man. Suriin lamang na mayroong quota sa decreto flussi at ang permit to stay for seasonal job ay balido sa panahon ng conversion.